Elisse Joson, naiyak sa sweet birthday surprise ni McCoy de Leon para sa kanyang ika-25 taong kaarawan

Maraming netizens ang kinilig sa sweet birthday surprise na inihanda ng aktor na si McCoy de Leon para sa kaarawan ng kanyang nobya na si Elisse Joson. Nitong January 6 ay ipinagdiwang ni Elisse ang kanyang ika-25 taong kaarawan.

Credit: Elisse Joson Instagram  

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Elisse ang inihandang video ni McCoy na naglalaman ng mga birthday greeting ng mga malalapit niyang kaibigan.

Ayon kay Elisse, hindi niya maiwasang i-post ang ginawang video ni McCoy dahil sobra umano siyang napasaya nito sa kanyang kaarawan.

“A happy birthday. I wasn’t gonna post this but it really made my day,” sulat ni Elisse sa caption ng Instagram video.

Credit: Elisse Joson Instagram

Inilarawan naman ni Elisse bilang “meaningful birthday gift from miles away” ang sorpresa ni McCoy para sa kanya dahil kasalukuyan pa rin siyang nasa ibang bansa.

Samantala, naiyak naman si Elisse habang pinapanood ang mga mensahe ng kanyang mga kaibigan para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Kabilang sa mga nagbigay ng birthday message kay Elisse sina Michelle Vito, Sue Ramirez, Sofia Andres, Jane de Leon at Alexa Ilacad.

Naging background music naman ng video ang pagkanta ni McCoy sa hit-song ng bandang Parokya ni Edgar na “Your Song”. Pinakahuli naman na nagbigay ng birthday message si McCoy.

Mensahe ni McCoy para kay Elisse, “Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you.”

Credit: McCoy De Leon Instagram

Sa kanyang Instagram post, lubos naman na nagpasalamat si Elisse kay McCoy para sa lahat ng effort na ginawa nito para pasayahin siya sa kanyang kaarawan.

Ani Elisse, “Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together and for making me the happiest today.”

Unang nagkakilala sina Elisse at McCoy noong 2016 nang pareho silang pumasok sa Bahay ni Kuya bilang housemates.

Sa kanilang pagpasok sa Pinoy Big Brother ay nabuo ang kanilang tambalan. Noong 2018 naman ay inamin ni Elisse na hiwalay na sila ni McCoy.

Credit: McCoy De Leon Instagram

August noong nakaraang taon naman ay napabalita na nagkabalikan ang dalawa matapos mag-post si McCoy sa kanyang Instagram ng isang larawan kung saan ay makikita siyang hinahalikan si Elisse sa noo.