Ellen Adarna, engaged na sa kanyang kasintahan na si Derek Ramsay

Matapos ang m@init na usapan at serye ng isyu ng naging relasyon ni Derek Ramsay at Ellen Adarna noong nakaraang buwan, ngayon ay may bago nga namang pangyayari sa buhay nilang dalawa.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Ngayon, ay opisyal na kasing engaged si Ellen at Derek. Makikita nga naman sa kanilang mga ibinahaging post kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang buhay nilang dalawa para sa isa’t-isa.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

 

Sa IG post nila sa Tuesday, makikita ang ibinahaging larawan ni Ellen ng ring na nakasuot sa kanya. Makikita ang larawan ni Derek na talaga namang sayang saya sa natanggap niyang Oo mula kay Ellen.

Hindi rin naman maipinta ang mukha ni Ellen sa kanyang naging reaksyon nang makita niya na mag popropose na si Derek at ang sign na “Will you marry me?” neon sign na nasa dingding.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Isa nga naman ito sa pinakahihintay na bahagi ng buhay ng magkasintahan. Ang magdesisyun na lumagay sa tahimik at hingin ang oo ng isa’t isa. Ito nga naman ang tinatawag na “yes” for a lifetime.
Kaya naman, saad ni Ellen sa kanyang caption na “Game 0ver” at tinag niya ang kanyang kasitahan na ngayon ay fiance na niya na si Derek.

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Kinumpirma nilang dalawa ang kanilang relasyon noong February at noong March. Ayon kay Derek, si Ellen ang babaing gusto niyang makasama habang buhay. Inilarawan ito ni Derek bilang “to spend the rest of [his] life with.”

Credit: @maria.elena.adarna instagram

Sa April 4 ay ipagdiriwang nila ang kanilang 2nd month, pero bago pa man ito dumating ay naging matamis na ang kanilang pag-iibigan at ngayon ay officially engaged na nga silang dalawa.


Credit: @maria.elena.adarna instagram

Noong Enero ang unang beses na naging imusap usapan na may namamagitan sa kanila. Hanggang sa sila na rin mismo ang nagkumpirma at ito na nga ngayon. Excited at masaya naman ang lahat ng mga fans at netizens para sa kanila.