Ellen Adarna, ibinahagi ang masayang bakasyon nila nina Derek at Elias sa Siargao

Matatandaang bago matapos ang buwan ng Marso ay ginulat ng maganda at magaling na aktres na si Ellen Adarna at ng aktor na si Derek Ramsey ang mga netizens nang ibahagi ng mga ito sa publiko ang balitang engaged na ang mga ito.

Credit: Ellen Adarna instagram

Ilang buwan pa lamang ang lumipas mula nang i-reveal nina Ellen at Derek ang kanilang relasyon bago nila ibinahagi sa publiko ang naging engagement ng mga ito. Kaya naman hindi nakakapag-takang maraming netizens at fans ng dalawa ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon sa magandang balita.

Credit: Ellen Adarna instagram

Simula noon ay talagang bukas na sa publiko ang relasyon nina Ellen at Derek dahil sa madalas na pagpo-post ng dalawa ng kanilang mga sweet na sweet na letratong magkasama sa kanilang mga kanya-kanyang Instagram account.

Credit: Ellen Adarna instagram

Mapapansin na mayroong magandang relasyon din sina Derek at Ellen sa kani-kanilang mga anak sa dating naka-relasyon ng mga ito na makikita mismo sa mga pictures at videos ng mga ito.
Makikita rin sa mga Instagram post nina Ellen at Derek na madalas kung magbakasyon ang mga ito kasama ang kani-kanilang pamilya.

Credit: Ellen Adarna instagram

Kamakailan-lamang ay nagkaroon muli ng island vacation sina Ellen at Derek kasama ang mga pamilya ni Ellen at iba pang malalapit na kaibigan ng mga ito.

Credit: Ellen Adarna instagram

Makikita sa unang letratong ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account ang napaka-gandang family picture nila nina Baby Elias at ng kanyang fiancé na si Derek, sa background naman ng mga ito ay ang napaka-ganda ring asul na asul na beach sa Siargao.

Credit: Ellen Adarna instagram

Sa letrato ay mapapansin ang napaka-gandang ngiti ng tatlo habang si Baby Elias ay naka-pat0ng pa sa balikat ng aktor at halatang masayang-masaya sa kanilang bakasyon. Samantalang, s3ksing-s3ksi namang naka all-black bikini si Ellen.

Credit: Ellen Adarna instagram

Sa mga sumunod na letrato ay makikita ang mga naging iba pang aktibidad ng mga ito sa kanilang bakasyon sa Siargao at siyempre hindi magpapahuli ang sweet na letrato ng dalawa kung saan enjoy na enjoy ang mga itong naka-upo sa white sand ng beach.

Credit: Ellen Adarna instagram

Mapapansin na hanggang ngayon ay patuloy pa ring mayroong matibay at magandang relasyon sina Ellen at Derek. Talagang makikita kung gaano ka-saya ang mga ito sa isa’t isa matapos ang ilang buwan mula nang ma-engage ang mga ito.

Credit: Ellen Adarna instagram