Enchong Dee, humiram ng 3 million pesos kay Erich Gonzales, Gerald Anderson, Enrique Gil, at Maja Salvador

May sikat na kasabihan na malalaman mo lamang kung sino ang iyong tunay na mga kaibigan kapag nasa oras ka na ng pangangailangan. Minsan kasi ay may mga nagpapanggap lamang na kaibigan kapag meron kang pera at bigla na lang mawawala kapag ikaw ay salat na sa kayamanan.

Sa video na inupload ni Enchong ay sinubukan niyang manghiram ng pera sa kanyang mga kaibigan.

Credit: Enchong Dee Instagram

“…today we’re going to test our friends kung magfu-fall sila sa prank na gagawin ko. We’re gonna do a prank call. Hihiram tayo ng pera sa kanila, titignan natin kung papahiramin nila ako ng pera or magbe-beg off sila sa request ko.”

Bago pa man magsimula ang video ay sinabi ni Enchong na shinoot ang video bago pa ang opisyal na pag-anunsyo ng qu@rant!ne sa bansa.

“This video was shot before the official qu@rant!ne was announced and is purely for your enjoyment. It is not my intention to make light of our current situation. Stay safe everyone.”

Sinubukan tawagan ni Enchong ang kanyang mga kaibigan na sila Rayver Cruz, Janine Gutierrez, at Bea Alonzo ngunit hindi nila sinagot ang tawag na aktor.

Credit: Enchong Dee Instagram

Ang mga kaibigan lamang ni Enchong na sumagot ng kanyang tawag ay sila Enrique Gil, Maja Salavador, Erich Gonzales, at Gerald Anderson.

Sa magkakahiwalay na phone conversation ay sinabi ni Enchong na dahil sa v!rus ay humina ang kanilang restaurant at nangangailangan siya ng pera dahil meron siyang dapat bayaran. Sa dulo ng usapan ay sinabi ni Enchong na ang pera ay gagamitin niya pambayad sa binili niyang mamahaling sasakyan.

Credit: Enchong Dee Instagram

Ito ang mga naging tugon ng kanyang kaibigan ng manghiram na si Enchong ng pera sa kanila na nagkakahalaga ng 3-5 million pesos.

Enrique Gil: “Oh Sige. I’ll talk to my mom. I’ll ask my mom about it kasi siya yung naghahandle eh… I’m also doing the construction business eh, makakabenta naman kami ng isa.”

Credit: Enrique Gil Instagram

Maja Salvador: “Makakaya ko 1, Chong.”

Credit: Maja Salvador Instagram

Erich Gonzales: “Sige. Text kita now. I’ll consult muna with the makapangyarihan.”

Credit: Erich Gonzales Instagram

Gerald Anderson:  “Sige bro. Let me see.”

Credit: Gerald Anderson Instagram

Iba ang naging reaksyon ni Erich nang malaman na nagpaprank call lamang si Enchong.

“Mean! Grabe, you know what, seriously, everyone’s going crazy now and then you’re doing that pa. Not cool ha? But really, if you need anything, text lang.”

Bago matapos ang video ay sinabi ni Enchong na ang video ay para lang mag-entertain at nagpaalala din siya sa mga tagapanood ng video niya na alagaan ang mga sarili at kung walang importanteng gagawin sa labas ay mamalagi na lamang sa bahay.

“This is just for entertainment. I know everyone is being very responsible and being so aware of our surroundings which is the virus. Please take good care of yourselves. Please stay home kung wala naman kayong kailangang gawin sa labas.”