Ethel Booba, kinabog ang mga ‘plantito’ at ‘plantita’ sa kanyang kakaibang koleksyon ng halaman

Kinabog ni comedian-vlogger Ethyl Booba ang lahat ng mga plantito at plantita dahil sa kakaibang koleksyon niya ng halaman.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

Hindi kasi pangkaraniwan ang mga “plant” na ibinida ni Ethyl sa kanyang Facebook page.
Nitong October 10 ay nag-post si Ethel ng ilang larawan kung saan tampok ang kanyang mga kakaibang indoor plant.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

Caption ni Ethyl sa FB post, “Good morning PLANTITOS and PLANTITAS 😂🤣”
Tila tinalbugan ni Ethel ang lahat ng mga plant enthusiast dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang plant collection.

Imbes kasi tunay na “indoor plants” ay mga vegetable plants ang naisipan na ilagay ni Ethyl sa loob ng kanyang bahay.Sa katunayan, ay ipinagmamalaki ni Ethyl ang kanyang unique plant collection.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

Una nang itinampok ni Ethyl sa kanyang YouTube channel ang mga kakaibang indoor plant niya.
Sa kanyang house ‘plant’ tour vlog nitong October 7, ay isa-isang ipinakita ni Ethyl ang kanyang koleksyon ng mga vegetable plant.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

Nakakatuwa rin ang pamagat ng vlog ni Ethyl na tila nagpapahiwatig na hindi siya pangkaraniwang plant collector.

Pinamagatan ni Ethyl ang kanyang ika-125 vlog episode ng “My First Ever House Plant Tour + Rare and Expensive Plants Kabog Ang Plants Ko”.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

Kasama sa kanyang koleksyon ng ‘indoor plant’ ay Eggplant, Malunggay plant, Banana plant, Taro Plant at Papaya tree plant.Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang kakaibang koleksyon ni Ethyl ng halaman.

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

“bwahahaha! sang farm mo lahat pinagbubun0t yan tehhh? bwahahahha grabeh tawa ko from gensan abot sa nuvali😂😂””Ms. ethel lalo ka gumanda nung nag ka anak ka🥰.. more vlogging of positives vibes with michaela and chef … good for the ment@l health🤩”

Credit: Ethyl Coyoca Gabison instagram

“Wow miss ethyl napapalibutan po kayo nang mga gulay maganda po yan para dina lumabas para bumili sa palengke kasi nanjan napo sa loob ng house nyo safe na safe na😅😅🤗🤗””Ma’am Ethyl may kulang pa po sa halaman kamuting kahoy…joke lang po! Gandang tingnan cute ng baby mo ninyo God bless”


“Grabe pati sa loob May tanim na saging!!! Hahhha nakakatawa ka talaga Ethyl. We love you and you’re family lalo na si baby.”

Si Ethyl Gabison o mas kilala ng lahat bilang Ethel Booba ay isang TV personality, comedian at singer. Itinanghal si Ethyl bilang “It’s Showtime: Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition” grand winner noong 2019.