Frontman ng “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda, isa na ring proud ‘plantito’

Proud ‘plantito’ na rin ang front man ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.
Nitong October 13 ay nag-post sa Facebook ang asawa ni Chito na si Neri Naig ng isang larawan kung saan makikita ang bokalista na ibinibida ang alaga nitong halaman.

Credit: Neri Miranda instagram

Caption ni Neri sa FB post, “Sorry na lang kayo mga plantito, may nanalo na! πŸ˜‚”
Ang pagmamay-aring halaman ni Chito ay isang Colocasia esculenta o mas kilala rin bilang Taro plant.

Credit: Neri Miranda instagram

Kapansin-pansin ang napakalagong alagang halaman ni Chito dahil sa naglalakihan at napakaraming hugis pusong mga dahon nito.

Hindi rin nagpahuli ang netizens at ibinida rin sa comment section ng nasabing FB post ang kanilang mga alagang taro plant.

Credit: Neri Miranda instagram

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa pagiging ‘plantito’ ni Chito:
“Sampung milyong piso yan idol πŸ˜‚πŸ€£””dami ng gabing san fernando….hukayin n yan lahok sa sinigang😁””Hi sir Chito! ❀️ Good morning πŸ”† uwian na may nanalo na πŸ˜‚”
“Wow astig pareng chito nanalo na ahaha”

Credit: Neri Miranda instagram

Samantala, kamakailan lamang ay nag-viral si Chito matapos nitong ibahagi ang bagong nabiling property ni Neri na katas ng pag-o-online selling nito.

Credit: Neri Miranda instagram

Kwento ni Chito sa kanyang Instagram post, “Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa…l@ngya. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong b@r!l. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa.”

Credit: Neri Miranda instagram

Sa kanyang post ay dinipensahan din ni Chito ang asawa mula sa mga taong nagsasabing kaya matagumpay si Neri ay dahil isa itong artista.

Credit: Neri Miranda instagram

Ani Chito, “At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse.

Dagdag ni Chito, “Hindi artista yung mga yun, and online selling lang din yung ginawa nila…pero , sobrang sipag nung mga yun. Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan?”

 

View this post on Instagram

 

Sorry na lang kayo mga plantito, may nanalo na! πŸ˜‚

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on


Inamin din ni Chito na hindi siya nakaramdam ng inggit sa mga achievement ng kanyang asawa. Ayon pa kay Chito, imbes na ma!nggit ay mas na-inspire pa raw siya sa kasipagan ng asawa.

Aniya, “For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako m@gyayabang, eh achievements nya yan…not mineβœŒπŸΌπŸ˜‚), and instead na !nggit, I’m honestly inspired by what she is doing.”
Si Chito at Neri ay ikinasal noong December 2014.