Gabby Concepcion, ikwinento ang pagiging emosyonal ng anak na si KC noong huling bonding nilang mag-ama

Sabi nila ang mga anak na babae ay mas malapit sa kanilang ama kaysa sa kanilang ina. Tila pinatunayan naman ito ng mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion. Kahit tumanda na kasi ang aktres ay napakalambing pa rin nito sa kanyang amang si Gabby. Sa katunayan, ibinunyag ni Gabby na umiyak pa umano si KC nang maghiwalay sila noong huling bonding nilang dalawa.

Credit: @itskcconcepcion Instagram     

Kamakailan lamang ay nag-bonding sina Gabby at KC para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor. Matatandaang nitong November 5 ay nagdiwang ng kanyang 56th birthday si Gabby at bilang ‘belated birthday celebration’ niya ay lumabas at kumain silang dalawa ni KC. At noong pauwi na nga sila ay umiyak umano si KC at ayaw pa umano siyang pauwiin.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Sa ulat ni Lhar Santiago sa GMA News “24 Oras”, ay sinabi ni Gabby na naawa umano siya sa kanyang panganay kaya naman sinigurado niya sa kanyang anak na ísang ‘text’ lamang umano ni KC sa kanya ay pupuntahan niya ito.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Kwento pa ni Gabby, “Magkasama kami, kumain kami sa restaurant. ‘Tapos naawa ako sa kanya dahil pauwi na kami, ayaw niya ako bitawan, ayaw niya ako pauwiin.”

Dagdag niya, “Umiyak dahil ayaw akong iwanan. Naawa naman ako.”

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Noong kaarawan naman ni Gabby ay sumulat si KC ng isang sweet birthday message para sa ama.
Sa nasabing birthday message, inihayag ni KC na gaano man siya ka-independent sa buhay ay kakailangan pa rin niya ng isang lalaki na katulad ng kanyang ama.

Credit: Gabby Concepcion Instagram

“Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would 😂 You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new,” ani KC.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Dagdag niya, “Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would 😂 I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things (🤣)… You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!! 🎉🥰🥳 @concepciongabby”

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Si KC ay anak ni Gabby sa kanyang dating asawa na si Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan.