Georgina Wilson, isinilang na ang kanyang unang anak na babae na si Baby Charlotte Arabella

Noong May 3, Lunes ng inanunsyo ng Model at Enterpreneur na si Georgina Wilson ang magandang balita na isinilang na ang kanilang pangatlong anak na baby girl. Sa instagram ay agad naman ibinahagi ni Georgina Wilson ang napaka gandang larawan ng kanilang baby girl.

Masaya nga na ibinahagi ni Georgina sa kanyang mga followers ang kanilang unang baby girl at pinakilala nya nga ito sa publiko.

“Charlotte Arabella Burnand ? April 5, 2021 ?” Ang sabi ni Georgina Wilson sa kanyang caption.
Sa isang picture naman na sumunod binahagi ni Georgina sa kanyang instagram ay sinabi nya na two days old pa lang ang kanilang baby girl.

Si baby Charlotte ang bunso at ikatlong anak nina Georgina Wilson at Arthur Burnand at siya rin ang kauna-kaunahan na anak na babae mag asawa. Masaya nga ang mag asawang Georgina at Arthur Burnand dahil sa wakas ay babae na ang kanilang number 3 baby.

Sigurado naman na napakagandang bata ni baby Charlotte paglaki nito dahil sa mayroong magandang lahi ang mga magulang nito. Ang mga kuya naman ni baby Charlotte na parehong charming ay sina Archie, 4 years old at si Alfred na mag da dalawang taon pa lang.

Pagdating naman sa bahay ni baby Charlotte ay agad itong sinalubong ng kanyang mga kuya, tuwang tuwa nga sina Archie at Alfred na finally ay na meet na nila ang kanilang litle sister.
Kitang kita nga na masaya ang lahat sa pagdating ni baby Charlotte sa bahay, at masyado rin naaliw ang mga kuya nito na si Archie at Alfred kung saan binabahagi nila ang kanilang mga laruan na sasakyan sa tabi ng kanilang little sister na si Charlotte.

Nagkaroon din sila ng picture taking at excited nga ang dalawang lalaki na mag pa picture kay baby Charlotte at todo smile nga ang mga ito.