Ibinahagi ng celebrity child na si Scarlet Snow Belo ang kanyang first-ever art

Sa kaniyang sariling Instagram account ay makikita ang ipinasilip niyang artwork na siya mismo ang gumawa. Ang artwork ay isang maliit na aso na tila stuffed toy na napapalibutan ng mga dahon at bulaklak na nakapaloob sa isang teacup na may design pang “arf”. Hindi lamang ito simpleng drawing, kinulayan niya rin ito ng mga kulay na nababagay sa bawat drawing.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

May isang Bible verse rin siyang isinulat sa artwork na “You are Royalty. 1 Peter 2:9”.
May caption ang post na “This is my very first ever artwork that I did totally on my own.”.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Hindi niya rin nakalimutan magpasalamat sa kanyang teacher na nagtuturo sa kaniya pagdating sa ganitong activity, “Thank you Teacher @cathyongtecodesigns for showing me new techniques.”
Ayon kay Scarlet, pangarap niyang maging master artist balang araw at gumawa ng mga art na may magandang dulot sa mga tao.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

“I want to be a master artist one day, drawing art that will make people feel happy and hopeful.??” dagdag niya sa caption. Makikita naman sa comment section ang kanyang proud daddy na si Hayden Kho na nag-iwan ng comment na “Good job my love.”

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Marami ring mga netizens ang pumuri sa artwork ng bright child na si Scarlet. Si Scarlet Snow Belo ay anak nina Hayden Kho at Vicki Belo na parehong celebrity doctors. Noon pa mang una siyang ipinakilala ng kaniyang mga magulang sa publiko ay pinag-usapan at inabangan na siya ng mga netizens na kanyang naging mga tagasuporta.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Siya ay inabangan dahil sa kaniyang kacute-an at pagiging bibo, ngayon naman ay dahil na rin sa kanyang angking talino sa murang edad. Kung bibisitahin ang kaniyang Instagram account ay hindi lamang puro selfies nya ang nandito. Madalas niya ring ibahagi rito ang iba’t ibang activities na kanyang nasusubukan.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Mapapansing napakarami nang mga na-experince, nagawa at napuntahan ni Scarlet kung saan may iba iba ring siyang mga kasama. Patuloy na dumadami ang mga tagahanga ni Scarlet lalo na ang mga followers sa Instagram. Kasalukuyan siyang mayroong 4.9 million followers at may lampas 1000 na posts.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Nakilala si Scarlet dahil sa hatid niyang positivity at good vibes sa mga tao. Ito talaga ang goal ng bata dahil makikita sa kanyang bio sa nasabing account ang mga katagang “I’m 6yo and I like to make people happy”. Sa account niyang ito na minamanage ng kanyang mommy at daddy, nalalaman ng mga tagasuporta ang mga updates tungkol sa kanya.