Ivana Alawi, napaiyak sa programa ni Raffy Tulfo nang ireklamo dahil sa ipinamigay na relief goods

Nakakatuwang makita at mabalitaan na marami ang nagtutulong-tulong sa panahon ngayon. May mga nag-fafund raising para makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan. Meron din namang mga naglalabas ng sarili nilang pera para makapag-abot ng konting tulong para sa mga matinding tinamaan ng kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Pero paano na lamang kung sa iyong pagtulong ay nakaperwisyo pa pala ito sa kapwa?

Iyan ang naging prank ni Raffy Tulfo sa sikat na YouTuber at artistang si Ivana Alawi.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa umpisa ng video ay pinapraktis ni Raffy Tulfo ang magkukunwaring nagrereklamo kay Ivana.

Ang magiging reklamo ng accomplice ay nasira ang kanyang tiyan dahil sa ipinamigay na relief goods ni Ivana. Ang masama pa dito ay kunwari pa na shinare ito ng accomplice sa kanyang mga kapitbahay na sumakit din ang tiyan.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Magkukunwari ang accomplice na hihingi ng danyos na PhP100,000.

Sa prank na ito ay kasabwat nila Raffy ang ina ni Ivana na si Loida.

Nang magkunwari nang live ang palabas ni Raffy Tulfo na Tulfo in Action ay makikitang masaya si Ivana. Sinabi pa niya na tagahanga siya ni Raffy.

Credit: Ivana Alawi Instagram

“Wait lang. Idol ko po kayo.”

Nang sabihin na ni Raffy ang pakay ng guesting ni Ivana ay nagulat ito at sinabing akala niya ay guesting lang ang gagawin niya.

“Wait. Ako yung nirereklamo?… Wait lang. Hindi ba ito guesting?”

Halatang kinakabahan si Ivana nang nalaman niya na nirereklamo siya. Pinakinggang mabuti ni Ivana ang kwento ng kunwaring nagrereklamo.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Tuloy-tuloy siyang ininterview ni Raffy Tulfo para maitahi ang kunwaring reklamo kay Ivana.

Nagkaroon din ng pagkakataon na gustong kausapin ni Raffy Tulfo ang pamilya ni Ivana para ma-interview tungkol sa pagtulong nila sa pag-pack ng relief goods. Agad namang sinagot ni Ivana na wag na idamay ang kanyang pamilya at handa siyang harapin ang reklamo.

Credit: Raffy Tulfo in Action YouTube

“…Pero wag na lang po natin isama sila. Family ko po kasi sila. Pero ako na lang po. I take the responsibility. Hindi ko naman po sinasabing tatakbuhan ko to.”

Tinulak din palayo ni Ivana ang kapatid na si Mona at sinabing wag siya magpakita sa camera dahil minor pa lamang siya.

Credit: Raffy Tulfo in Action YouTube

Inamin na lamang ni Raffy Tulfo na prank lamang ang kanilang ginawa nang simula nang umiyak si Ivana.

Credit: Raffy Tulfo in Action YouTube

Dahil sa prank na ito ay naipakita ni Ivana kung gaano siya kabuting tao at kung gaano niya kamahal at pinoprotektahan ang kanyang pamilya.