Ito ang mga artistang namamalagi ngayon sa probinsya habang ECQ

Higit isang buwan na nang ipinatupad ang ECQ sa ilang panig ng bansa. Ang iba ay namalagi lamang sa kani-kanilang bahay sa siyudad ngunit ang iba naman ay piniling manatili sa probinsya para doon magpalipas araw habang mayroong pinagdadaanan ngayon ang bansa.

Alden Richards

Credit: Alden Richards Instagram

Ang bahay ni Alden ay itinayo sa Laguna at doon siya namamalagi ngayon kasama ng kanyang pamilya. Sa kaniyang Instagram post ay hinikayat ni Alden ang lahat na manatili sa bahay at manatiling ligtas.

 

View this post on Instagram

 

Stay at home and please stay healthy po. ??

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Piolo Pascual

Credit: Piolo Pascual Instagram

Alam ng marami na mayroong pinatayong mala-white house na mansyon si Piolo sa Batangas at doon siya namamalagi ngayon kasama ng kanyang ina.

Ipinamalas ni Piolo sa kanyang Instagram account ang ganda ng tanawin na makikita mula sa kanyang bahay bakasyunan.

Kris Aquino

Credit: Kris Aquino Instagram

Noong umpisa ng l0ckd0wn ay kinupkop si Kris Aquino at kanyang dawalang anak na sila Josh at Bimby ni Willie Revillame sa kanyang private resort sa Puerto Galera. Di kalaunan ay nag-decide si Kris na mangupahan na lamang sa isang resort sa parehong isla para doon sila mamalagi ng kaniyang mga anak hanggang sa tanggalin ang ECQ.

Glaiza de Castro

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Si Glaiza de Castro naman ay namamalagi ngayon sa Casa Galura sa Baler kung saan kasama niya ang kaniyang mga magulang at kanyang nobyo na si David Rainey. Ngayong ECQ ay nabigyan ng oras ni Glaiza na matutong ng mga gawaing bahay.

Mylene Dizon

Credit: Mylene Dizon Instagram

Enjoy na enjoy naman sa paglanghap na malamig at sariwang hangin si Mylene Dizon habang namamalagi sa kanyang bahay sa Silang, Cavite. Busy rin si Mylene sa pag-aalaga ng kanyang vegetable garden kung saan kumukuha siya ng kanilang kinakain.

Daniel Matsunaga

Credit: Daniel Matsunaga Instagram

Kasama ng kanyang pamilya, nanatili naman si Daniel Matsunaga sa Anilao, Batangas kung saan doon na din nagdiwang ng kaarawan ang kaniyang ina.

Sa isang post na letrato ni Daniel na may kasamang mga bata ay sinabi niyang:

Credit: Daniel Matsunaga Instagram

“I’m so inspired by these kids. We’ve been 28 days together now and they are one of the highlights of my quarantine, Bella included of course. Their simplicity, kindness, generosity and willingness to help are values I wish to see more often in people. They are so brave also hahaha The community around us is so awesome and they really represent the Filipino hospitality that I’m so proud of. They don’t have everything but they are happy to share what they have. It shows that we don’t have to be rich to help others but we need a rich heart to give. I hope everything is well with all of you. God bless you guys and keep you safe .??????❤️”