It’s a boy! Juancho Trivino, excited na sa kaniyang “Mini me”

Sa isang Instagram post ng actor host na si Juancho Trivino ay nagbahagi siya ng larawan nilang mag-asawa na may hawak na blue and white confetti at isang larawan ng kaniyang pagkabata. Sa naturang post ay bakas ang pagkasabik ni Juancho na makabonding na ang kaniyang anak, nais niya na itong turuang magbasketball at magbike, higit lalo at ang maprotektahan ang kaniyang asawa na si Joyce Pring.

Credit: Juancho Trivino instagram

May kaugnay ding YouTube vlog ang kaniyang post kung saan mapapanood ang kanilang pregnancy journey.

Ayon sa kaniyang post: “Are you ready world? It’s a boy! Ready nako i-train ng basketball ito at bilhan din ng bike. 😂 Pero higit sa lahat protector ng aming queen bee na si @joycepring #NewParents #ItsAMiniMe #NewDad Psalm 46:10 is an encouragement for us and new parents out there that also have even the tiniest bit of w0rry. God is with us. Please check out our pregnancy journey in Joyce’s YT channel also produced by our friends from @treehousestory ❤️🙏 (link in my bio!) 📸

Credit: Juancho Trivino instagram

@danda_visuals @antwannne” Sa latest vlog na sinasabi nila rito, ibinahagi nila ang kanilang journey bilang mag-asawa na may inaasahang anak. Bago pa man sila ikasal ay napag-uusapan nila ang pagkakataon ng anak.

Credit: Juancho Trivino instagram

“When you proposed to me, I sat you down and asked, ‘Love, if ever hindi ako mabuntis, okay lang ba sa ‘yo?’ The fear that I had my whole adult life was gonna come true, that I w0n’t be able to bear children,” Saad ni Joyce sa naturang vlog.

Credit: Juancho Trivino instagram

“I asked you if you were okay with that and you said, ‘I’m marrying you because I love you. Bonus na lang kapag nagka-baby tayo.’ Thanks baby,” dagdag pa niya. Ibinunyag niya rin na noong una ay isinikreto niya sa asawa na siya ay buntis na, upang ito ay sorpresahin. “You told me na may surprise ka, akala ko ‘yung dinner na ‘yun. Tapos you took out the test and you said, ‘You’re going to be a dad.’ Um!iyak ako tapos niyakap mo ako,” pag-aalala ni Juancho sa naging kaganapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

“Me telling you that evening was actually an act of faith on my part. I wanted to trust God na Lord I don’t believe this, I am anxi0us but I will trust you that this is a blessing and that this is real. We had to wait because our doctor is super straight edge din. Sabi niya, ‘Sige let’s wait if it has a heartbeat.’

When it had a h3artbeat, that’s when I started cry!ng in the car,” sabi ni Joyce Pring sa Huling parte ng video. At the end of the video, Pring and Triviño opened a box filled with white and blue balloons and confetti, indicating that they will have a boy. Sa pagtatapos ng vlog ay nagbukas sila ng isang kahon na may lamang puti at asul na lobo at confetti, bilang tanda na sila ay may inaasahang baby boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

Kanilang ibinahagi noong buwan ng Pebrero ngayong taon, na sila ay may inaasahang supling. Ang magkasintahang celebrity host ay nagpakasal sa Pasay City, nakaraang taon buwan ng Pebrero. Buwan naman ng Nobyembre taong 2019 nang kanilang sabihing sila ay engaged na sa pamamagitan ng isang Twitter post ni Pring.