Ivana Alawi, diretsahang sinagot ang tanong kung bakit madalas tshirt na ang suot sa mga recent video niya

May mga pagkakataon na gumagawa tayo ng mga bagay base sa sasabihin ng ibang tao. Nakabase ang ating mga action sa kung ano ang magpapasaya sa kanila. Parang ang mas naging motibasyon sa buhay ay para i-please ang ibang tao.

Credit: Ivana Alawi Instagram    

Diyan naiiba si Ivana Alawi at pinatunayan niya iyan sa kanyang latest video sa YouTube.

Habang nag ha-hotpot mukbang challenge ay sinagot nila Ivana at Mona ang mga katanungan sa kanila ng mga netizen.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Ang natanggap na tanong ni Ivana ay kung bakit hindi na siya nagpopost ng s3xy at nagpapakita ng skin sa mga letrato nito. Madalas daw ay naka-tshirt na lang si Ivana. Tinanong din kung merong nagbabawal sa dalaga kung kaya’t bigla siyang nagpalit ng imahe.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Diretsahan itong sinagot ni Ivana na sarili niyang kagustuhan na hindi maglabas ng katawan sa mga picture at mga video.

“Ako, actually lagi ako nakaka-receive sa mga comments ko na parang ‘ha! Ba’t ka naka-tshirt ngayon? Bakit hindi ka naka-sleeveless o bakit hindi kita yung cleavage mo? Ang daming nagsasabi, ‘meron bang nagbabawal sayo or meron bang strikto or bakit?”

Credit: Ivana Alawi Instagram

“I’m still the same Ivana. It’s not because a guy is telling me not to show my body. Unang-una, wala akong pakialam sa mga sasabihin ng mga lalaki sakin at wala din akong pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao. Whether they like or not, you know, it’s either you like me or you hate me.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Inulit ni Ivana na sabihing walang sino man ang nagbabawal sa kanya na maglabas ng skin sa mga post sa social media.

“No. Walang nagbabawal sa akin at hindi ako papayag na may magturo sa akin, na may magdidictate sa akin na ‘bawal mo gawin ito’. Hindi ako pumapayag sa ganun eh. I’m just happy right now and I’m happy wearing tshirts and I’m happy not showing my cleavage in every video.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

“Kung anong nagpapasaya sa akin, yun ang gagawin ko. At wala akong pakialam at walang nagbabawal sa akin kaya tigilan ninyo yung issue na mag nagbabawal sa akin.”

Nagbiro pa ang dalaga at sinabi na kaya niyang maghub@d agad sa video na iyon.

“Gusto mo maghubad ako ngayon eh. Charot lang!”

Panoorin ang buong video dito: