Ivana Alawi, handa na raw mag-asawa anytime; ini-reveal din niya na pinadalhan siya ni DJ Loonyo ng bulaklak galing ng bansang Ecuador

Marami ang nabibighani sa ganda at bait ng aktres vlogger na si Ivana Alawi. Marami ang nagpaparamdam kay Ivana ngunit isa ang bukod tanging pangalan ang nangingibabaw ngayon na ipinapares kay Ivana at yun ay si DJ Loonyo.

Credit: Ivana Alawi Twitter       

Noong May 7 ay nagpost sa Twitter si Ivana ng letrato ng napakaganda at napakaraming bulaklak. Marami ang naintriga kung kanino ito nanggaling.

Sa latest video ni Ivana ay sinagot niya na ang mga bulaklak ay pinadala sa kanya ni DJ Loonyo.

Credit: Ivana Alawi Twitter

“Sobrang nagulat ako kasi hindi ko iniexpect na magpapadala siya ng bulaklak. Ganun karami tapos alam mo yung effort, na-appreciate ko yun infairness.”

Ayon daw kay DJ Loonyo, nanggaling pa daw sa bansang Ecuador ang mga bulaklak na ipiinadala niya sa dalaga.

“Galing daw Ecuador ‘yon, nag-eroplano pa yung bulaklak kaya na-appreciate ko siya.”

Sa video ay nilinaw din ni Ivana ang tunay na estado ng relasyon nila ni DJ Loonyo.

Credit: Ivana Alawi Twitter

“Guys, we’re friends.”

Dinagdag pa ni Ivana na hindi niya alam ang pwedeng mangyari sa future pagdating sa magiging relasyon nila ni DJ Loonyo.

Credit: Ivana Alawi Twitter

“Maybe in five years, or three years, or two years or one year, pag-uwi niya, di ba, malay natin.”

Pabiro pa nitong sinabi na hindi niya isinasara ang kanyang pinto para sa binata.

“Huwag tayong mag-close ng pinto kasi may bintana.”

Credit: Ivana Alawi Instagram
Sa video rin na iyon ay tinanong si Ivana kung kailan ang ideal age niya para magpakasal.

Pabirong sinagot ng 24 years old na aktress na ang ideal age niya ay 25 years old.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Pero binawi ito ng dalaga at sinabing ready na siyang lumagay sa tahimik ano mang oras.

“Ako, anytime. Pwedeng next month, pwedeng next year.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sinabi ni Ivana na gusto talaga niyang maikasal na ng 21 years old kaso hindi ito nangyari.

“Dati kasi gusto ko 21, e syempre lagpas na ako, wala na. Kaya ako, kahit kailan na lang.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

Humirit pa si Ivana na kunwari ay kinakausap ang kanyang soulmate.

“Kapag dumating ka na, pakasalan mo na ko, Baby!”