Ivana Alawi, in-unfollow si DJ Loonyo sa Twitter at Instagram; DJ Loonyo at babaeng sinasangkot sa isyu, nagsalita na!

Dumadaan ngayon sa isang matinding isyo si DJ Loonyo na nagdadawit sa aktres na si Ivana Alawi at isang babaeng nagngangalang Claire Gomez.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Nag-umpisa ang lahat nang mapansin ng Loovana (Loonyo-Ivana) fans na inunfollow ni Ivana si DJ Loonyo at ang kanilang sinasangkot ay ang isang non-showbiz na babaeng si Claire.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Sa isang video na inilabas ng Loovana Facebook page, nagsalita na si DJ Looyo tungkol sa issue na ito.

Sa video, sinabi ni DJ Loonyo na nililinaw niya ang mga bagay-bagay hindi para linisin ang kanyang pangalan kundi dahil apektado na rin sa isyu si Ivana at si Claire.

Credit: Loovana Facebook

Ikwinento ni DJ Loonyo na magkausap na sila ni Claire bago pa nila ginawa ang “Boyfriend Prank” ni Ivana. Gayun pa man, nilinaw ni DJ Loonyo na kaibigan lamang ang turing niya kay Claire at nang nagiging close na sila ni Ivana ay unti-unti nang lumalayo si DJ Loonyo kay Claire.

Inamin din ni DJ Loonyo na si Ivana ang mahal niya at sinabi niya na hindi na niya ito binanggit kay Claire sa kanilang mga pag-uusap.

Credit: Loovana Facebook

Ilang beses inulit ni DJ Loonyo na may nararamdaman siya para kay Ivana at na mahal niya ito.

Maalalang nagbigay noon si DJ Loonyo ng napakaraming bulaklak kay Ivana galing ng bansang Ecuador at ito ay ikinatuwa naman ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi Instagram

READ: IVANA ALAWI, HANDA NA RAW MAG-ASAWA ANYTIME; INI-REVEAL DIN NIYA NA PINADALHAN SIYA NA BULAKLAK NI DJ LOONYO GALING NG BANSANG ECUADOR

Maalala din na naglabas ng mga screenshot noon si Ivana ng mga messages na nanggaling kay DJ Loonyo noon pang 2015.

READ: IVANA ALAWI, TUMANGGAP NG SWEET MESSAGES GALING KAY DJ LOONYO NOONG 2015

Sinabi ni DJ Loonyo na kahit anong mangyari ay patuloy niyang mamahalin at susuportahan si Ivana.

Nakiusap din si DJ Loonyo na huwag na idawit si Claire at si Ivana dahil wala umano silang kasalanan. Sinabi ni DJ Loonyo na siya na lang ang i-bash at wag na nila idamay ang dalawang dalaga.

Nagbigay din ng pahayag si Claire, ang babaeng nadawit sa isyu.

Sa isang Instagram live ay binahagi ni Claire ang kanyang side ng kwento. Sumang-ayon sa sinabi ni DJ Loonyo ang sinabi ni Claire na never binanggit ni DJ Loonyo ang tungkol kay Ivana.

Credit: Jackie Grajo YouTube

Kwinento din ni Claire na una niyang blinock si DJ Loonyo bago siya kinontak ni Ivana at kalaunan ay in-unfollow na din ni Ivana si DJ Loonyo.

Umiiyak din na sinabi ni Claire na apektado ang kanyang anak sa mga nangyayari dahil kahit bata pa ito ay ginagawan niya ng paraan para maipagtanggol ang kanyang ina sa mga basher sa YouTube.

Credit: Jackie Grajo YouTube

Kwinento ni Claire na hinihiram ng kanyang anak ang YouTube account ng kanyang lolo para makasagot siya sa mga comment at maipagtanggol ang kanyang ina.

Inaabangan pa din maglabas ng statement si Ivana pero marami ngayon ang nagtatanong kung ano na kaya ang susunod na mangyayari sa love story ni Ivana at DJ Loonyo.