Ivana Alawi, tumanggap ng sweet messages galing kay DJ Loonyo noong 2015

Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media sila Ivana Alawi at DJ Loonyo kung saan marami ang nagsabi na bagay ang dalawa sa isa’t isa.

Credit: Ivana Alawi Instagram

 

Credit: DJLoonyoreal Instagram

Umingay online ang dalawa nang prinank ni Ivana ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagpanggap na siya at si DJ Loonyo ay nasa isang relasyon na. Sa YouTube video na inupload ni Ivana, nakita siya ng kanyang ina na nakikipag video chat kay DJ Loonyo na kunwari ay nagcecelebrate sila ng monthsary. Sa naturang video ay binanggit ng ina ni Ivana kay DJ Loonyo na:

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Sobra magmahal ‘yan. Huwag kang magkakamali. Iyan, todo. ‘Pag nagmahal, ibibigay niya lahat ‘yan. Lahat na. Nakita ko na ‘yan, ilang beses nang umiyak ‘yan. Yari ka sa akin!”

Sa isang interview, sinabi ni Ivana na matagal na niyang kakilala si DJ Loonyo. Nagkakilala sila sa dance classes na inaattendan ni Ivana noon.

Ngayon naman ay may mga nakalkal na lumang messages si Ivana na galing kay DJ Loonyo. Ito ay  natanggap niya noong September 15, 2015. Agad  naman itong pinost ni Ivana sa kanyang Twitter account.

DJ Loonyo: “Hi, Mariam! How’s everything goin on? I’m Rhemz from Rockstars”

Ivana: “Hi, Kuya Rhems! Okay naman kumusta?”

DJ Loonyo: “All great naman. Rehearsing for our gig tomorrow. ‘Bout you? Pahinga lang?”

DJ Loonyo [matapos hindi makatanggap ng reply kay Ivana]: “Keep smiling Mariam! Gumaganda ka lalo ‘pag ganyan.”

Ivana: “Thank you po! Kakatapos lang ng rehearsal.”

Credit: Ivana Alawi Twitter

I+sang araw bago ipost ni Ivana ang kanyang nakitang tweets ni DJ Loonyo ay nagpost din sa Twitter si DJ Loonyo ng isang letrato ni Ivana na screenshot sa kanilang video call.

Credit: DJ Loonyo Twitter

Maraming netizens ang kinikilig sa kanilang dalawa at gustong magkatuluyan ang dalawa.

“Justice sa nagwawalang puso namin. More, more, morrrrrreeee! AllOutFor LOOVANA”

“Ang cute nyong dalwa”

“Bagay talaga kayo”

Marami na ang nag-aabang kung ano ang susunod na kabanata kay Ivana at DJ Loonyo. Marami ang naghihintay ng pormal na kompirmasyon galing sa dalawa kung sila na ba ay nagliligawan o nasa relationship na.