Iya Villania, ipinakita ang kanyang dedikasyon sa pag-aalaga sa kanilang bunsong anak na si Baby Alana

Maraming benepisyo ang maaaring makuha ng isang sanggol mula sa gatas ng kanyang ina. Kaya naman sinisigurado ng Kapuso TV host na si Iya Villania na patuloy pa rin niyang bine-bre@stfeed ang mahigit isang buwan na niyang anak na si Alana Lauren kahit nasa gitna siya ng trabaho.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram     

Sa katunayan, naging inspirasyon si Iya para sa kapwa niya working moms din dahil sa dedikasyon niyang magpa-d3de sa bunsong anak kahit nagre-report siya nang live sa showbiz news segment ng 24-Oras na Chika Minute.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Sa isang Instagram story ay ibinunyag ni Iya ang behind-the-scenes ng kanyang live report kung saan makikita siya na nag-uulat habang nagpapasus0 kay Alana Lauren.

Aniya sa caption ng IG story, “One of the perks of working from home.”

Dagdag niya, “You’d never even guess there’s a baby feeding.”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Samantala, hindi lang ito ang isang pagkakataon kung saan ipinakita ni Iya ang dedikasyon niya sa pagbe-bre@stfeed ng mga anak.

Kamakailan lang ay nagbahagi rin ng isang video si Iya sa kanilang YouTube channel na Life with the Arellanos kung saan ipinakita niya paano niya napanatiling malamig ang kanyang bre@st milk kahit pa 19 oras ang ibinyahe niya mula Mexico pauwi ng Pilipinas.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Description ng vlog ni Iya, “For the mamas out there who have a long trip scheduled and are hoping to bring their bre@stmilk back… Here’s what my trip to Mexico looked like 😛 all the realities, from pumping in random places, storing milk, cleaning pump accessories and problems faced when bringing milk back on a long haul flight… you’ll see it all.”

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Sa panahong ito ay ang pangalawang anak pa ni Iya na si Leon ang bine-bre@stfeed niya.

Nagpunta si Iya sa Mexico para sa isang presscon, at habang naglalakbay sa ibang bahagi ng mundo inaalala pa rin ni Iya kung paano niya mabibigyan ng bre@st milk si Leon. Naging matagumpay naman si Iya dahil pag-uwi niya ay malamig pa rin ang kanyang bre@st milk.

Credit: Drew Arellano Instagram

Bilang asawa naman ay nakikita rin ni Drew Arellano kung gaano ka “ded3-cated” si Iya sa pagpapa-ded3 sa kanilang mga anak.

Sa isang Instagram post nagbahagi si Drew ng larawan ni Iya na habang nakatutok sa laptop at nagtatrabaho ay pinapa-bre@stfeed nito si Alana Lauren.

Credit: Drew Arellano Instagram

Ani Drew sa caption, “Now that’s DED3-cation.”