Iya Villania, nagpakitang gilas sa pagmo-motorbike

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng bawat ina sa pagpapalaki ng kanilang anak.
Kabilang nga sa mga ina na napaka-hands on sa pagpapalaki sa kanilang anak si Kapuso TV host-actress Iya Villania.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Katuwang ang kanyang asawa na si TV host Drew Arellano ay tinitiyak ni Iya na sa kabila ng kanyang trabaho bilang isang artista ay hindi niya nakakalimutan na gampanan ang kanyang mga responsibilidad sa tatlo niyang anak na sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Alana Lauren.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Sa katunayan, kahit na live na nag-uulat si Iya sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras ay nagawa niya pa ring mag-breastfeed sa kanyang ikatlong anak na dalawang buwang gulang pa lamang.
Ngunit kahit na hands on sa pag-aalaga sa kanyang mga anak ay mayroon pa ring oras si Iya para gawing ang kanyang mga ‘hobby’.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Isa sa mga hindi nakalimutan ni Iya na gawin kahit isa na siyang ganap na ina ay ang kanyang hilig sa pagmo-motorbike.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Nitong October 7 lang ay nag-day off muna si Iya sa pagbabantay sa kanyang mga anak at nagpakitang gilas sa loob ng race track.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Iya ang ilang larawan kung saan makikita siyang suwabeng minamaneho ang kanyang motorbike.

Caption ni Iya sa IG post, “Finally made it to the track! šŸ˜† I guess you can say it was mama and papas day off šŸ˜† Thank you for taking me love @drewarellano šŸ˜† and cheers to my coaches @joeystormrivero and @cheestepa šŸ‘ŠšŸ¼”

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Dagdag niya, “Ps. Iā€™m pretty sure I sl!pped off my bike shortly after that 4th pic was taken šŸ¤£”
Sa mga larawan ay makikita ang magandang body positioning ni Iya habang nakasakay sa kanyang motorbike.

Agad namang umani ng maraming papuri si Iya mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.Kahit ang kanyang mga kapwa celebrity mom ay napabilib ng TV host-actress dahil sa pagiging maangas nito sa pagmamaneho ng kanyang motorbike.

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Komento ni ‘Unang Hirit’ host Suzi Abrera, “Omg whutttt?!!! You’re amazing mama!!!”
Ani Camille Prats, “Wooooow!!! Marz!!! So astig!!!:)”Sabi ni Chariz Solomon, “Ang sayaaaaaa! Im happy for you maaaars!!”

Credit: Iya Villania-Arellano instagram

Komento ng netizens:
Samantala, malaking impluwensiya ang asawa ni Iya na si Drew sa pagkahilig niya sa pagmo-motorbike.Kilalang motorbike enthusiast kasi si Drew. Sa katunayan, ay miyembro si Drew ng sikat na samahan ng mga celebrity motorbike rider na ‘Brap Pack’.

Ilan sa mga kasamahan ni Drew sa ‘Brap Pack’ ay sina Jericho Rosales, Ryan Agoncillo, Sid Maderazo at Paolo Abrera.Ikinasal sina Iya at Drew noong February 2014.