Jak Roberto at Barbie Forteza, pinakilig ang netizens sa kanilang unang endorsement project

Muli na namang pinakilig nina celebrity couple Jak Roberto at Barbie Forteza ang kanilang fans dahil sa kanilang bagong proyekto na gagawin na magkasama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa isang endorsement project ang celebrity couple kaya naman itinuturing nila itong isang milestone project.

Credit: Jak Roberto YouTube       

Ang kauna-unahang endorsement project na gagawin nila Jak at Barbie ay para sa isang international skin care and cosmetic brand na Cathy Doll.

Credit: Jak Roberto YouTube

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip ni Jak ang behind the scenes ng ginawa nilang photo shoot at video shoot para sa nasabing endorsement. Ayon sa celebrity couple, hindi umano sila nakatulog nang maayos dahil sa sobrang excitement nila para sa kanilang unang endorsement project na magkasama.

Credit: Jak Roberto YouTube

“Ito ‘yung first shoot namin together,” pagsisimula ni Jak.

Dagdag naman ni Barbie, “Meron po kaming isho-shoot today na we’re both very excited. As a matter of fact, hindi po kami nakatulog sa sobrang excitement.”

Credit: Jak Roberto YouTube

“Fullfillment” din na maituturing ng celebrity couple ang kanilang unang endorsement project na magkasama.

Ani Jak sa description ng vlog, “Working with Barbie on teleseryes is one thing but having our very first endorsement together is such a fulfillment for the both us. The whole shoot went smoothly and we all had fun. Barbie and I didn’t even get to sleep the night before the shoot because of excitement.”

Credit: Jak Roberto YouTube

Samantala, kahit sa kanilang endorsement photo shoot ay hindi nawala ang pagiging sweet at kwela nina Jak at Barbie sa isa’t isa. Sa photo shoot ay ibinida ni Jak ang kanyang six-pack abs habang si Barbie ang kanyang s3ksing katawan.

Credit: Jak Roberto YouTube

Nagmistulang mga karakter din sa isang Korean drama o K-drama sina Jak at Barbie sa kanilang endorsement shoot. Siyempre, feel na feel ni Jak na isa siyang “oppa” o korean actor sa kanyang ‘dewy’ look. Sa katunayan, maraming netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ni Jak sa South Korean actor na si Ji Chang-wook.

Credit: Jak Roberto YouTube

Masaya naman ang mga tagahanga nina Jak at Barbie sa kanilang bagong nakamit bilang loveteam at bilang magkasintahan. Narito ang ilan sa mga komento ng kanilang fans sa kanilang bagong endorsement project.

Credit: Jak Roberto YouTube

“Juskooooo kinikilig na naman ako. Photoshoot pa lang to!!!!”

“Wow galing naman magkasama ever congrats sa inyong dalawa napaka sweet ninyo pagmagkasama kayo sana lagi kayong ganyan 4 ever God Bless sana dumami pa ang eendorse ninyong dalawa keep safe always”

Credit: Jak Roberto YouTube

“Congrats!! Jak and barbie👏👏👏 sana tuloy tuloy na ang mga endorsement nio together😍 godbless”