Janella Salvador, masayang ibinahagi na sya ang gaganap na “Valentina” sa palabas na Darna

Bahagi ng Pinoy childhood ng bawat bata ang mga Pinoy superheroes gaya nila Darna, Lastikman, Captain Barbell at marami pang iba. At ngayon, may nagbabalik sa telebisyon at muli na naman nating maririnig ang sigaw ni Darna.

Credit: @superjanella instagram

Matatandaang naging balita noon si Jane de Leon bilang gaganap na Darna. At marami ang nagtanong noon kung sino nga ba ang gaganap na Valentina. Ngayon, nagkaroon na ito ng kasagutan dahil si Janella Salvador ang nasabing gaganap na bagong Valentina.

Credit: @superjanella instagram

Si Valentina ang kontrabida role sa kwento ni Darna. Kilala sa pagiging taong ahas, siya ang magbibigay ng hamon at kulay kay Darna. Kaya naman, gusto talaga ng mga tao na maging magaling si Darna at Valentina sa kanilang pagganap.

Matapos ang ilang taon, muli na namang makikita ang mga karakter na ito. Marami ang siguradong nakamiss sa kanilang mga roles na ito.

Credit: @superjanella instagram

Kung titignan, deserve na deserve naman ni Janella ang role na ito. Isang experienced actress na si Janella. Mula sa kanyang mga role sa Be Careful With My Heart at K!ll3r Bride at marami pang iba, nahasa at nakita naman talaga natin kung gaano kagaling na aktres si Janella.

Credit: @superjanella instagram

Masaya naman ang mga netizens para kay Janella lalo na ang kanyang fans. Para sa kanila, ito ay isang bagong venture sa kanyang career at sigurado silang mabibigyan niya ng hustisya ang kanyang role.

Narito ang mga komento ng mga netizens.
“Valentina be like:
“Oh my G, Darna, I’ll k!ll you na.”

Credit: @superjanella instagram

“Valentina is an iconic villain afterall so as the artist stunning and beautiful?..while darna portrays innocence and compassion..at syempre maganda rin yung actress?”

“Magaling yan si janella salvador.. lalo na dun sa the killer bride,??”

Credit: @superjanella instagram

“npaka daring na ng dating nya goodbye ptweetams!hello new Jenella!”

“Versatile naman si Janella, saka meron cyang aura na pagkamaldita, so keri lang kahit contrabida role. Saka yung ganda nya, pwede rin naman na pagkamedusa. Congrats!”