Jason Francisco, masayang nakipagbonding sa kanyang pamilya sa isang resort sa Batangas para ipagdiwang ang kanyang kaarawan

Nagdiwang ng kanyang ika-33 taong kaarawan si dating Pinoy Big Brother house mate Jason Francisco sa isang wellness hotel sa Lipa, Batangas nitong October 11.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram        

Sa Instagram ni Melai Cantiveros ay ibinahagi nito ang isang larawan nilang dalawa ni Jason habang ini-enjoy ang katahimikan sa The Farm at San Benito.

Sa larawan ay makikita ang walang kupas na chemistry ng MelaSon couple. Ayon pa sa “Magandang Buhay” host, nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nagkaroon sila ni Jason ng “couple time”.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Ani Melai sa caption ng IG post, “Bago matulog , Salamat Lord sa oras nga gihatag nmu sa amuang duha nga nakapag couple time mi kauban ka 🙏🙏🙏♥️♥️♥️” (Bago matulog, Salamat Lord sa oras na ibinigay mo sa amin para makapag-couple time kami na kasama Ka)

Dagdag ni Melai, “Ubani mi kanunay Ginoo sa kalisud ug kalipay daygon ka permi Ginoo 🤍🤍🤍” (Samahan Mo kami palagi Panginoon sa kahirapan at kasiyahan puriin ka palagi Panginoon)

Samantala, sa isang hiwalay na Instagram post ay ibinahagi ni Melai ang ilang larawan kuha mula sa birthday celebration ni Jason na ginanap naman sa kanilang bahay.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Simple lamang ang naging selebrasyon ni Jason ngunit makikita sa mukha nito ang kasiyahan na makapiling ang kanyang pamilya sa kaarawan. Sa caption ay binati ni Melai ang asawa. Ani Melai, “Happy Birthday Papang @jasonfrancisco11 , mahal ka nmin 💙💙💙”

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Bumaha naman ang birthday greetings para kay Jason mula sa kasamahan nila sa showbiz. Komento ni Kapamilya actress-vlogger Alex Gonzaga, “Happy Birthday papangstrolls”

Bati naman ng kaibigan ni Jason na si Tom Rodriguez, “Happy Birthday tol!”

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Narito naman ang ilang birthday greetings ng netizens para kay Jason:

“Happy bday Papang trolls!!! God bless ur family. Sobrang simpleng tao lang tlga. 😍😍”

“Happy birthday Jason🥂🎂🎈🎉”

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

“Happy birthday papang trols❤️❤🎂🎂🎈”

Sina Melai at Jason ay unang nagkakilala sa loob ng Pinoy Big Brother house nang maging kalahok sila ng “Pinoy Big Brother: Double Up” season taong 2009. Sa naturang reality TV show din ay naitanghal si Melai bilang grand winner.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

December 2013 naman nang ikasal sina Melai at Jason. Sa ngayon, ay mayroon ng dalawang napaka-cute na anak ang mag-asawa na sina Amelia Lucille at Stella Rosalind.