Jinkee Pacquiao, kinaaliwan ng mga netizen habang karga karga at nakikipag bonding sa kanyang cute na pamangkin

Sa post ni Janet Jamora-Jumalon nitong July 22 lamang ay makikitang siya ay namasyal kasama ang kanyang bunsong anak at kambal na si Jinkee Pacquiao. Makikita na tila sila ay nasa isang store na nagtitinda ng iba’t ibang klase ng mga branded na sapatos.

Credit: Janet Jamora instagram

May caption ang post na “Bonding time with his aunt❤️❤️❤️ @jinkeepacquiao”. Makikita sa mga pictures na habang nagtitingin at namimili ang kambal na sina Janet at Jinkee ay kasama din nila ang napakagwapong bunsong anak ni Janet na si Jeremiah Daniel. Makikita sa isang picture na kasama sa nasabing post na karga ni Jinkee ang pamangkin.

Credit: Janet Jamora instagram

Mayroon namang isang follower na nagcomment ng tanong na “@chingdeee: Minsan po ba nalilito din si baby JD sa inyo ni Ms. Jinkee? ?”. Katanggap-tanggap naman talaga ang katanungang ito dahil hindi naman mapagkakaila na magkamukha talaga sina Janet at Jinkee. Ang dalawa ay identical twins at kitang-kitang sa kanilang mga mukha ang mga magkapareho nilang mga features.

Credit: Janet Jamora instagram

Si baby Jeremiah Daniel o JD ay nag 6-months old sa buwan ng July. Maaalalang nang July 13, 2020, nang si Janet ay 12 weeks pregnant na, inanunsyo niya ang kanyang pagbubuntis. January 9 naman nang magpost si Steve Jumalon na asawa ni Janet ng picture ni JD na nakuhanan pagkasilang na pagkasilang niya.

Credit: Janet Jamora instagram

Mapapansin sa mga post ni Janet na kahit may sariling pamilya na silang dalawa ng kanyang kambal ay madalas pa rin silang mag bonding at magkaroon ng quality time. Minsan ay sila ay namamasyal na madalas namang napupunta sa pagsa-shopping. Hindi naman mapagkakaila na ang dalawa ay sobrang close sa isa’t isa at palagi pa ring magkasama.

Credit: Janet Jamora instagram

Ang magkapatid ay pareho nang ganap na ina. Close din sila sa kanilang mga pamangkin sa isa’t isa. Makikita sa ibang mga post na hindi lang ang kambal ang nakakapagbonding dahil nakakasama rin nila ang kanilang mga anak at pamangkin.

Credit: Janet Jamora instagram

Si Janet Jumalon ay may tatlong anak na sina Raymond, Ella, at si JD sa asawa niyang si Steve Jumalon. Habang si Jinkee Pacquiao naman ay may limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel sa asawa niyang si Manny Pacquiao na isang sikat na b0xer.
Sa taong ito, January 12, ay ipinagdiwang ng kambal ang kanilang 42nd birthday.

Credit: Janet Jamora instagram