Jodi Sta. Maria, masayang nagdiwang ng kanyang 40th birthday kasama si Thirdy sa abroad

Sa kanya ngang ika 40 taon, Jodi Sta Maria ay nag diwang sa Prague, Czech Republic nang kanyang kaarawan, kasama ang kanyang anak na si Thirdy.

Credit: @jodistamaria Instagram

Makikita nga ang happy and wiser Jodi Sta. Maria nang kinuhanan sya nang litrato nang kanyang anak na si Thirdy. Ngiting ngiti nga ito nakatingin sa larawan, “40” sabi nito sa pauna nitong sulat, “So far it’s been a great year for me” na ayon pa nga sa kanya na ngayong nakaabot na sya sa punto nitong kanyang buhay kung saan ay nagawa nitong sya ay maging “gr0unded” sa bagong mga kaparaanan.

Credit: @jodistamaria Instagram

Na ayon pa nga sa kanya ay may mga bagay syang dapat matutunan at I-unlearn na mga bagay din, “Love and let go of situations and people. Ignore n0ises and live a life that’s empowering to me. Stay calm and realize it’s okay not to have everything figure out” sabi pa nga nya.

Sa huli nga ay pinag pasalamat nya sa Diyos ang regalo nang buhay sa kanya. Hindi nya din nalimutang pasalamatan ang mga tao na hindi nga nalimutan na magbigay nang mensahe sa kanya nang pagmamahal.

Credit: @jodistamaria Instagram

Marami naman sa mga kakilala nya sa showbiz ang bumati kay Jodi Sta. Maria, “Happiest Birthday Jodi. God bless you more and more” sabi ni Aiko Melendez, “Happy birthday mama jowds” turan naman ni Angelica Panganiban, “Blessed birthday beautiful soul, my dear soul sister who deserves all that love and peace in the world” bati naman ni Shaina Magdayao. Bumati din sila Raymart Santiago, Isabel Oli-Prats, Jake Ejercito, Cheryl Cosim at Maricel Soriano.

Credit: @jodistamaria Instagram

Si Jodi Sta. Maria ay isang artista na talagang masasabing de kalibre dahil sa angkin nitong galing at napatunayan na nga ito sa mga pag ganap na kanyang ginawa. Nakatanggap na rin sya nang iba’t ibang parangal gaya ng Emmy awards at mga ilang nominasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Sa dulo isang pag bati sa iyo Jodi Sta. Maria, happy 40th birthday!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Sa huli, tunay nga na ang buhay ay talaga ngang maraming maituturo sa atin. Pagkat may mga bagay talaga na kailangan natin daanan para lubos nating maunawaan ang buhay at ano ang kahalagahan nito.