Joey De Leon, nagpost ng lumang letrato kasama ng mga unang host ng Eat Bulaga at sinabing walang katapat ang Eat Bulaga

Hindi lahat ng bagay ay tumatagal. Ang iba ay pansamantala lamang pero meron ding mangilan-ngilan na kahit ano man ang pinagdaanan at kahit ilang dekada na ang lumipas ay nanatili pa rin. Ganyan ang noontime show na Eat Bulaga.

Credit: Joey De Leon Instagram    

Sa isang Instagram post ng komedyanteng si Joey De Leon, ibinahagi niya kung gaano na katagal at katatag ang kanilang noontime show.

“WALANG KATAPAT ang Eat Bulaga este, ang ibig sabihin po sa dahilang PITONG PRESIDENTE na ang dumaan, lumabas sa TATLONG HIMPILAN, tumawid-dagat pa ang pangalan at sumabak sa isang PANDAIGDIGANG DIGMAAN! Hindi tumitigil! Masdan kahit gula-gulanit na ang larawan!???????”

Credit: Joey De Leon Instagram

Sa letrato na inupload ni Joey, makikita ang pinakaunang hosts ng Eat Bulaga. Ang mga kasama niya dito ay sila Vic Sotto, Tito Sotto, Chiqui Hollmann, at Richie D’Horsie.

Kahit ngayong may kinakaharap na p@ndemya ang bansa ay tuloy-tuloy pa rin sa pagbibigay ng kasiyahan ang Eat Bulaga.

Credit: Joey De Leon Instagram

Literal na walang katapat ngayon ang Eat Bulaga dahil ang kasabayang noontime show nito sa kabilang estasyon ay hindi umiere dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Unang umere ang Eat Bulaga noong July 30, 1979 at binigyan ng bansag na “the longest running noontime show” dahil hanggang ngayon ay umeere parin ito.

Credit: Joey De Leon Instagram

Ang Eat Bulaga ay lumabas na sa tatlong magkakaibang istasyon, una ay RPN, sumunod sa ABS-CBN, at ngayon ay sa GMA Network.

Hindi lamang nanatili sa Pilipinas ang Eat Bulaga dahil ito rin ay frinanchise sa bansang Indonesia at Myanmar.

Maraming followers si Joey De Leon ang sumang-ayon sa sinabi ng komedyante.

Credit: Joey De Leon Instagram

“Eb forever sempre png may utak lng n malalim ??✌️❤️”

“Sangayon ako dyan no objection ilan network an magsara bukas may eat bulaga ap din ay saya❤️❤️ love love ❤️❤️❤️❤️ eat bulaga”

“Bata pa po ako eat bulaga na pinapanood sa bhay. Ang tv nmin black and white pa na may sariling cabinet. 🙂 andyan pa po c chickie hallman yulo 🙂 tama po b spelling? Heheh”

“Yan ang perfect description ng EB — matatag at di matinag!”