John Lloyd Cruz, nakitang huminto sa checkpoint sa kanilang barangay at kinausap ang barangay chairman

Kapag dumating ang panahon na marami ang humihingi ng tulong, mapa-ordinaryong tao man o artista ay tumutugon sa tawag na ito lalo na kung alam nila na meron silang maibibigay at magagawa.

Credit: @johnlloydcruztm Instagram

Noong nagsimula ang p@ndemy@ ay marami nang balita ang lumabas tungkol sa mga indibidwal at grupo na naghahanap ng paraan para makatulong sa mga nangangailangan.

Credit: @johnlloydcruztm Instagram

Nito lamang April 29 ay nagpost ang isang cebuano na nagngangalang Mart Ramie Gacasan ng letrato na kung saan ay kasama si John Lloyd Cruz. Ang letrato ay may caption na:

“Naog sya. Apil kuno syag checkpoint. Ngigag volunteer gd nmu Kap Michael Masong Gacasan?✌️”

Ayon sa pabirong caption ay bumaba si John Lloyd Cruz dahil sasali siya na magbantay sa checkpoint at nagvolunteer sa kapitan ng barangay.

Credit: Mart Ramie Gacasan Facebook

Makikita sa letrato na bumaba nga ng kanyang sasakyan si John Lloyd na suot lamang ay tshirt, shorts, at tsinelas. Ang rason kung bakit bumaba si John Lloyd ay para kausapin ang barangay captain ng Guadalupe, Cebu para tanungin kung ano ang mga pangangailangan sa kanilang lugar at kung paano siya makakatulong.

Credit: Mart Ramie Gacasan Facebook

Maraming netizens ang natuwa sa ginawang ito ni Lloydie.

“Nayswan, mga johnlloyds!”

“??? natauhan ata sa sinabi ni bea alonzo. ?? Jk ????”

“Every act of kindness is needed in this time of calamity. If you get a chance to go out, then try to be a blessing to someone too.. But I know hirap din kase mag charity help sa iba ngayon dahil lahat tayo mostly naka-stock sa bahay. ? Hays.. Take care everyone ???”

“Simpleng buhay walang stress love u idol .ingat palage”

“Salamt lodi lumabs k dn tumulong s cebu..”

“JL proud Bisaya na? da best jd ni.tga cebu modala ?”

“I love JL my fav.?”

Credit: @johnlloydcruztm Instagram

Nitong nakaraang araw ay umingay din ang pangalan ni John Lloyd dahil sa ginawa nilang Instagram live chat ni Bea Alonzo. Kilig na kilig sa kanilang dalawa ang mga nakapanood ng kanilang pag-uusap ngunit ni-reveal ng batikang direktor na si Antoinette Jadaone na scripted ang naturang usapan at ito ay parte ng “The unconfined cinema”.