Juday, pinatikim sa frontliners ang galing sa pagluto sa pamamagitan ng paghanda ng pagkain para sa kanila

Sa mga ganitong pagkakataon ay mas mabuting kalimutan ang pagiging makasarili at mas ituon ang sarili sa pagtulong sa kapwa. Iyan ang pinanghahawakan ng mga frontliners na doktor, nurse, pulis, sundalo, at marami pang iba. Mas pinipili nilang gampanan ang kanilang tungkulin at tulungan ang kapwa kahit na delikado kesa manatili sa kanilang bahay at sa piling ng kanilang mga minamahal.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Dahil dito ay nagpaabot ng pasasalamat ang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa mga taong patuloy na naglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng paghanda ng pagkain sa kanila.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Nito lamang nakaraang araw ay kasama ni Juday ang kanyang pamilya na naghanda ng morning snack para sa 410 na frontliners ng RITM (Research Institute for Tropical Medicine). Hindi lamang nila ito ginawa ng isang araw kundi nagpadala ulit sila ng pagkain sa frontliners ng nasabing ospital nang sumunod na araw.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Sa Instagram post ni Juday, sinabi niya na:

“Caring is helping..

Sa bawat pagsikat ng araw, ipagpasalamat natin ang mga pagkakataong maari tayong makatulong sa kapwa natin. We continue to help in our own little way, with the help of our family and friends walang imposible. ❤️ a big shout out to my argentina corned chicken family for the supplies.. we were able to give 410 ritm frontliners their morning snack today and another 410 tom. ? a little help.. goes a long way.. thank you to my director/editor, producer, talent coordinator.. pagtanda ko pakakasalan kita! Uli… ❤️??”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Ang asawa naman ni Juday ay tumulong sa pamamagitan ng pagkuha ng video at pag-edit ng video habang naghahanda sila Juday ng pagkain.

Marami ang natuwa sa ginawa ng pamilya ni Juday:

“God bless you all moooore we love the Agoncillos ❤️❤️❤️”

“Keep it up sis”

“Thank you for all the help that you and your family do. Inspiring❤️”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

“Tama Queen lhat may paraan para makatulong SA mga nangangailangan… Laban ntin ito lhat, bayanihan, tulungan at dasal. We are lucky and bless to have you, your family and friends who are heartfully helping no matter what. Thank you and God bless.?♥️”