Judy Ann Santos, pinuri si Sarah Geronimo dahil sa mga nakitang pagbabago sa popstar princess simula nang maging Mrs. Guidicelli

Kapag pumasok ka sa buhay may asawa, marami kang adjustment na kailangan pagdaan at mga bagong bagay na matutunan tungkol sa iyong sarili at sa kabiyak mo sa buhay.

Credit: 3M’s ETV YouTube      

Proud nga raw ang actress-vlogger at full time nanay na si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sa nakikita niyang pagbabago sa kaibigan at itinuturing niya rin na isang kapatid na si singer-actress Sarah Geronimo.

Kahit bago pa lang ikinasal si Sarah sa aktor na si Matteo Guidicelli ay marami na siyang natutunan bilang isang misis.

Credit: 3M’s ETV YouTube

Isa sa mga napagtanto ni Sarah na kailangan na niyang tumayo sa mga sariling paa at alagaan ang kanyang asawa na si Matteo.

Ito ang ibinahagi ni Sarah sa kanyang ate Juday sa isang online discussion nila para sa isang brand kung saan ay endorser silang dalawa.

Credit: 3M’s ETV YouTube

Kwento ni Sarah, “Marami akong mga nalalaman about myself na ganito pala ako or ganyan. May mga good pero meron ding parang alam ko sa sarili ko na kailangan kong i-improve o ayusin especially now na you’re no longer your own. Meron ka nang kabiyak.”

Malaking hamon sa singer-actress na mag-adjust ngayong isang ganap na misis na siya dahil nakasanayan na umano niyang kasama lang ang pamilya o gawin ang mga bagay nang mag-isa.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Aniya, “Kasi nasanay nga tayo na tayo lang sa buhay and your family. Ngayon meron ka ng asawa na kailangan mo ring isipin, kailangan mong alagaan. At the same time, huwag mo din kakalimutan mahalin yung sarili mo and never lose your identity as a person.”

Dagdag ni Sarah, “Katulad sa pagluluto. May mga niluto ako na hindi ko akalaing maluluto ko for myself and for my husband. Isa din sa mga naitulong ng sitwasyon natin ngayon ‘yung matuto ka talagang tumayo sa sarili mong mga paa.”

Credit: Sarah Geronimo Instagram

Nang marinig ni Juday ang mga realisasyon na ito ni Sarah tungkol sa kanyang sarili at sa buhay mag-asawa ay hindi niya maiwasang maging proud dito.

Saad niya kay Sarah, “Nakaka-proud ka ha. Nakaka-proud yung pinanggagalingan ng mga statements mo ngayon. Matagal ko nang hinihintay na lumabas sa bibig mo yang words na iyan because it’s about time that you enjoy life. And I’m so happy that you are experiencing new adventures in your life now.”

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Sa huli ay binalikan ni Judy Ann ang mga panahon kung saan hinihikayat pa niya si Sarah na sumubok at gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

Credit: Sarah Geronimo Instagram

Ani Judy Ann, “I am so proud of you because hindi ka na natatakot mag-try ng mga bagong bagay sa buhay mo. Totoo iyan. Mula sa aking puso iyan. Remember before, parati kitang pinu-push, ‘Mag-try ka ng bago. Push mo ang sarili mo.’ Ngayon, ikaw na mismo ang kusang gumagawa ng mga gusto mong gawin.”

Credit: Sarah Geronimo Instagram