Julia Montes o Julia Barretto: Sinagot ni Claudine Barretto kung sino para sa kanya ang mas magaling umarte sa dalawa

Isa sa pinaka-importanteng talento na dapat meron ang mga artista ay ang pag-arte. Kung wala sila nito ay hindi sila magugustuhan ng mga manonood.

Credit: Claudine Barretto Instagram

May ibang artista na sinasabihan ng mga manonood na puro itsura lang ang meron kaya nakapasok sa showbiz pero meron din namang iba na nakapasok sa showbiz hindi dahil sa itsura at sa kakilala kundi dahil sa talento sa pag-arte.

May mga pagkakataon na may mga artista na ikinukumpara ng mga fans sa iba pang artista. Isang halimbawa dito ay noong panahon nila Vilma Santos at Nora Aunor kung saan talagang nakikipaglaban ang kanilang fans para sabihing mas magaling ang kanilang idolo.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Sa post ng batikang aktres na si Claudine Barretto kung saan kasama niya ang kanyang ina sa letrato ay may isang follower na nagtanong kay Claudine.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Tinanong niya kung sino sa tingin niya ang mas magaling umarte, si Julia Barretto ba o si Julia Montes.

“Miss Claudine sino mas magaling na umarte as an actress si Julia Barretto o si Julia Montes”

Credit: Claudine Barretto Instagram

Diretsahan naman itong sinagot ni Claudine ng “JULIA MONTES OFCOURSE”.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Sinegunadahan naman ito ng tanong ng isa pang netizen kung yun ang sagot ni Claudine dahil yun ang totoo niyang sagot o dahil galit siya kay Julia Barretto.

Credit: Julia Barretto Instagram

“@claubarretto is that an honest answer or just because you still mad of your own niece?”

Credit: Claudine Barretto Instagram

Sinagot naman ito agad ni Claudine ng, “sweetheart BOTH”

Marami ang nagreact sa sagot ni Claudine at meron ding mga nagtanggol sa aktres.

“Wlang ma iinggit sa taong inggetera…nagpakatotoo lang si ms clau??”

“2020 inggit pa din kayo sa side ni Marjorie haha”

Credit: Julia Montes Instagram

“Nagtanong kau sa tao kung sino para sa kanya mas magaling…ngayon na sinagot niya ang tanong ay may mali pa din para sa iba haayyzzzz life nga nmn….kahit ako din.nmn tatanungin ay parehas kami ng.isasagot ni clau…magaling si julia b pero mas magaling si julia montes period!!!”

“@official_claudine at saka bakit ba nagrereact yung mga fans ni jb wala nman masama sinabi si claudine nagsasabi lang nman siya ng totoo..”