Kahawig ni Toni Gonzaga na si Kapuso star Arianne Bautista, ikwinento ang karanasan nang maging ka-double ni Toni G.

Hindi man sila magkamag-anak ay parang kambal talaga kung titignan ang kapuso star na si Arianne Bautista at Kapamilya actress-host na si Toni Gonzaga.

Credit: Arianne Bautista YouTube       

Si Arianne Bautista ay isang artista ng GMA7 kung saan madalas lumalabas siya bilang supporting role sa mga teleserye. Kasama sa mga palabas na kinabibilangan niya ay ang ika-6 na utos at Kambal Sirena.

Naging guest host din siya sa sikat na variety show na Wowowin.

Credit: Arianne Bautista Instagram

Sa isang video blog ni Arianne Bautista ay sinagot niya ang ilang katanungan na ipinadala sa kanya ng kanyang fans at isa sa mga tanong na ito ay tungkol sa pagiging kamukha niya kay Toni Gonzaga.

“Bakit kamukha mo si Toni Gonzaga, relative ba kayo?”

“How do you feel po na maraming nagsasabe na kamukha mo si Toni G? :)”

Credit: Arianne Bautista Instagram

Agad namang sinagot ni Arianne na hindi sila magka-ano-ano ni Toni at talagang magkamukha lang sila. Dinagdag din ni Arianne na isa rin siya sa maraming umiidolo sa singer-host-actress na si Toni.

Credit: Arianne Bautista YouTube

“Okay. Ang tagal ko nang naririnig ‘yan. Sobrang compliment ‘yan for me. I super look up to her like sobrang idol ko rin siya. Sobrang nakaka-inspire s’ya as a person, as a mother, as an entertainer, as a host.”

“Sobrang galing n’ya na kahit din nung bata ako pinapanood ko din s’ya… alam mo yun, magperform and yung mga movies n’ya, very funny.”

Credit: Arianne Bautista YouTube

Kwinento ni Arianne na ilang beses na niya nakasama si Toni dahil sa mga pinagsamahang project.

“I met her na. Before ako magstart mag-GMA, nasa ABS muna ako. Nag workshop ako doon. Dun ako nagstart. Meron talagang dapat magiging show tapos siya dapat yung host. So nagmeet na talaga kami. Nag-team building na kami together.”

Credit: Arianne Bautista YouTube

Masayang nagbigay ng mga papuri si Arianne tungkol kay Toni.

“So nung time na yun, ang bait-bait lang n’ya. Sobrang friendly tapos sobrang ang lambing. Hinahawakan n’ya lagi yung shoulders ko.”

Ayon kay Arianne ay naging advantage para sa kanya ang maging kahawig ni Toni dahil naging daan ito para makakuha siya ng mga project.

Credit: Arianne Bautista YouTube

“Medyo nagkaka-advantage din sa akin na medyo hawig ko s’ya and maybe kakatawan before kasi ang payat-payat niya talaga kahit ngayon nga… Ako medyo tumaba na.”

“Kasi kahit sa commercial, as in nagbo-body double talaga ako sa kanya. Eh diba ang dami niyang endorsements noon?”

Credit: Arianne Bautista Instagram

Ipinagmalaki din ni Arianne na mataas ang tinatanggap niya noon na sweldo noong nagba-body double siya para kay Toni Gonzaga sa mga commercial.

“Syaka hindi rin naman biro yung TF namin nun. Pag double ka sa commercial, mataas yung sweldo. Ranging from PhP50,000 pataas. So parang okay na din diba? And I got to meet her all the time kaya lagi kaming nagkaka-meet na. Kaya actually I’m thankful na rin. Kaya nga nagtataka din ako.”