Kakai Bautista, ipinasilip ang tatlong bahay sa kanyang buhay na nasa Laguna

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng bahay na matatawag nating atin. Mahirap kasi kung nangungupahan lang tayo dahil hindi mawawala ang pang@mbang baka mapaalis tayo lalo na’t kakulangan sa bayad para sa renta ang pinag-uusapan.

Source: Kakai Bautista Youtube

Ito ang naranasan ng actress-singer na si Kakai Bautista noon. Kaya’t nagsikap talaga ito para makapagtayo ng sariling bahay.

Source: Kakai Bautista Youtube

Sa kanyang pinakabagong vlog , umuwi si Kakai sa Laguna kung saan binisita niya ang tatlong bahay na mahalaga sa buhay niya.

Source: Kakai Bautista Youtube

Unang binisita ni Kakai ang nirerentahang bahay ng kanyang pamilya ngayon.
Ikwenento ni Kakai na ngayon lamang ulit siya nakauwi sa Laguna matapos ang anim na buwan.
Pagkatapos kumain sa kanilang bahay ay ipinasilip naman ni Kakai ang katas ng kanyang pagsisikap ang napagawa niyang dalawang palapag na bahay.

Source: Kakai Bautista Youtube

Ani Kakai sa isang Instagram post, ang bahay ay katas ng ginawa niyang Jollibee endorsement kasama ang actress-comedian na si Eugene Domingo.

Source: Kakai Bautista Youtube

Tinawag pa nga ni Kakai na “JB House” ang bahay dahil produkto ito ng naturang endorsement. Bukod sa nakita niya sa endorsement, ay nag-loan din umano siya sa banko para sa bahay.

Source: Kakai Bautista Youtube

Inamin ni Kakai na nalungk0t siya dahil sa napurnadang pagpapaayos at paglipat nila sa bahay. Hindi kasi natuloy ang pagpapaayos at paglipat nila dahil sa p@ndemya. Kailangan pa raw kasi niyang ipaayos ang interior ng bahay.

Source: Kakai Bautista Youtube

Aniya, “Ngayon lang kame nagkaroon ng sariling bahay. Di pa siya tapos dahil ipapaayos ko pa sana ang interior kung hindi nagkaroon ng pand3mya.”
Dagdag niya, “Oo nalvngkot ako kase dapat nakalipat na kame pero alam ko may dahilan si LORD kung bakit di pa sa ngayon.”

Source: Kakai Bautista Youtube

Ikwenento rin ni Kakai na dalawang dekada na niyang pinangarap na mabigyan ng bahay ang pamilya.
Binalikan din ni Kakai ang mga pagkakataon kung saan napapalayas sila sa inuupahang bahay. Minsan nga raw naisip niyang baka sa kalye na sila pulutin ng pamilya.

Samantala, ipinakita rin ni Kakai ang bahay nila noon kung saan siya lumaki kasama ang kanyang Lola at Lolo.Ayon kay Kakai, may iba ng nagmamay-ari sa bahay ngunit plano niyang bilhin ito.
Aniya, “Mapapasakin din ulit itong bahay na ito kasi may bumili niyan. Dahil wala kaming masyadong pambayad sa renta noon, eh ‘di napalay@s kami.”

Source: Kakai Bautista Youtube