Kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora, isinilang na ang anak na lalaki nila ni dating PBB housemate Tibo Jumalon

Masayang ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Steve “Tibo” Jumalon sa isang Instagram post na isinilang na ng kanyang misis na si Janet Jamora ang kanilang anak.

Credit: @steve_jumalon Instagram  

Ipinanganak ni Janet, na kambal ng asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee, ang anak nila ni Tibo nitong January 9. Isang malusog na lalaking sanggol ang panibagong blessing na dumating sa pamilya ng mag-asawa.

Ipinost ni Tibo sa kanyang Instagram ang ilang larawan ng kanilang baby boy. Sa pamamagitan ng isang Bible verse ay inihayag ni Tibo na ipinagdasal niya sa Diyos ang anak nila ni Janet.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Caption ni Tibo sa kanyang Instagram post, “1 Samuel 1:27 ‘I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him.’Glory to God!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pbb tibo (@steve_jumalon)

Buhos naman ang pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

“Congratulations Janet and Tibo!”

“AWHHHHH SO LOVELY!! Congratssss”

“Congrats po sa inyo. Welcome baby”

Credit: @steve_jumalon Instagram

“Ang cute! Congrats Mr and Mrs Jumalon”

Matatandaang si Jinkee ang unang nagbalita na buntis ang kanyang kambal noong July 14, 2020. Sa isang Instagram post ay inihayag ni Jinkee ang kanyang kasiyahan para sa kanyang kambal.

September noong nakaraang taon naman nang malaman nina Janet at Tibo na isang baby boy ang kanilang magiging anak.

Isang gender reveal party ang ginanap sa General Santos City na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan ng mag-asawa. Kasama sa mga dumalo ang mga kapatid ni Janet kasama na nga rito si Jinkee.

Credit: @steve_jumalon Instagram

Hindi naman sinabi ni Tibo sa kanyang Instagram post kung ano ang ipinangalan nila ni Janet sa kanilang cute baby boy.

Unang sumikat si Tibo noong 2010 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: Double Up edition kung saan hinirang na big winner si Kapamilya TV host-actress Melai Cantiveros.

Matatandaang nagpakasal sina Janet at Tibo noong 2016. Isang intimate beach wedding ang ginanap sa isang beach resort sa Sarangani, Province na dinaluhan naman ng kanilang mga pamilya at kaibigan.

Masaya namang nakatira ngayon sa General Santos City sina Janet at Tibo.