Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona, diretsahang sinagot ang mga nagtatanong kung nagparetoke ang kanyang ate

Hindi mapigilan ang pagsikat ni Ivana dahil sa kanyang pagiging totoo hindi lamang sa kanyang mga fans kundi pati na rin sa lahat ng tao. Ipinakita niya ito sa kanyang latest na YouTube vlog kung saan kasama niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona.

Credit: Ivana Alawi Instagram 

Sa video ay nag Mukbang Challenge si Ivana at Mona habang sinasagot ang mga natanggap niyang mga tanong galing sa Twitter.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bago pa man shinoot ang video ay nagtrending ang #AskIvana sa Twitter.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa umpisa ng video ay ipinakita ni Ivana na niluluto niya ang isang Wagyu steak para sa kanilang Mukbang Challenge.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Matapos nito ay sinimulan na nila ni Mona ang kumain at ang pagsagot sa mga tanong ng mga netizens.

Ang isang kontrobersyal na tinanong kay Ivana ay kung siya ay nagparetoke dati.

Hinayaan ni Ivana na sagutin ito ng kanyang kapatid na si Mona at ito ang naging tugon niya:

Credit: Ivana Alawi YouTube

“No. Ganyan po talaga. Natural ang beauty ng ate ko.”

Dinagdagan ito ni Ivana ng:

“Okay. So hindi magsisinungaling ang bata. Ayaw n’yo kasing maniwala kaya ayaw ko s’yang paulit-ulit sinasagot pero para sa inyo sasagutin ko s’ya ulit. Hindi ako nagparetoke ng kahit ano… na kahit hawakan mo yung ilong kong ganun, wala talaga.”

Sinabi din ni Mona na kung nagpagawa man ang ate niya ay hindi niya ito idedeny dahil wala namang masama dito. Sumang-ayon naman si Ivana sa sinabi ng kapatid.

Para naman sa mga nagsasabing iba talaga ang itsura ni Ivana noon at ngayon, ito ang naging diretsahang sagot ng dalaga:

“Oo, ibang-iba ang itsura ko nung bata ako. Hindi ako marunong mag-ayos, lagi akong nasa araw, para akong gangster, nagyoyosi ako sa labas na feeling bad girl ako nun… pero nag-stop na ako magyosi.”

Maliban pa dito ay nasagot din sa video ni Ivana ang mga tanong tungkol sa kanyang love life, career, at personal na buhay. Maging ang kapatid niyang si Mona ay nakatanggap din ng mga katanungan mula sa mga netizens.