Kapuso actor Rocco Nacino at dating DLSU Lady Spiker na si Melissa Gohing, engaged na!

Labis ang kasiyahan ngayon ni Kapuso actor Rocco Nacino matapos niyang marinig ang matamis na “yes” ng kanyang longtime girlfriend na si Melissa Gohing sa kanyang ginawang wedding proposal. Engaged na nga ang aktor kay Melissa at sa kanyang Instagram nga ay ibinahagi niya ang tungkol sa ginawa niyang proposal.

Credit: Rocco Nacino Instagram      

I-pinost ni Rocco ang mga larawan ng kanyang pagpo-propose kay Melissa kuha mula sa isang romantic wedding proposal venue. Napapalibutan sina Rocco at Melissa ng mga flower at fairy lights at mula sa kanilang kinaroroonan ay makikita naman ang overlooking view at sunset. Nakasuot si Rocco ng isang coat habang white dress naman ang suot ni Melissa.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Simple lamang ang caption ni Rocco sa kanyang Instagram post. Aniya, “20/11/20 And she said yes. I love you Forever @gohingmelissa”

Bumaha naman ang congratulatory messages ng mga kaibigang artista ni Rocco para sa kanila ni Melissa.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Saad ni Ruru Madrid, “Congrats broooo!!!! ❤️❤️❤️”

Ani Winwyn Marquez, “I LOVE YOU BOTH SO MUCH. SO HAPPY NA WITNESS KO YUNG MOMENT NA TO CONGRATS!!!!”

Pagbati ni Chesca Kramer, “Congratulations to the both of you @gohingmelissa ❤️❤️❤️”

Maging ang mister ni Chesca na si Doug Kramer ay bumati din sa newly engaged couple.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Binati rin si Rocco ni Dingdong Dantes na kasama niya sa Kapuso adaptation ng sikat na Korean drama na “Descendants of the Sun”. Kahit sa pamamagitan lamang ng isang video conferencing app ay nasaksihan ni Dingdong ang engagement ng dalawa. Ani Dingdong, “Congratulations @nacinorocco and @gohingmelissa”

“Road to forever” na nga ang celebrity couple na mahigit tatlong taon na rin na magkasintahan. Sina Rocco at Melissa ay nagsimula bilang magkaibigan at kalaunan ay nahanap ang pag-ibig sa isa’t isa.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Parehong mahilig sa sports sina Rocco at Melissa dahilan kung bakit umano sila nag-click sa isa’t isa.
Ayon pa kay Rocco, isa sa mga nagustuhan niya kay Melissa ay ang competitive spirit nito. Ayon kay Rocco, si Melissa ang pinaka-unang atleta na kanyang naging girlfriend.