Karen Davila, nag-sorry kay Manny Pacquiao matapos ang higit isang taon nang mangyari ang kontrobersyal na interview

Maaalala noong February 20, 2019 ay  nag guest si Senador Manny Pacquiao sa programi ni Karen Davila sa ANC channel na Headstart. Dito ay tinanong ni Karen si Manny kung sang-ayon siya sa batas na dapat nagtapos sa kolehiyo ang mga tatakbong senador at presidente ng bansa.

Credit: ABS-CBN News YouTube

Mabilis naman itong sinagot ni Manny ng, “Sa akin, sang-ayon naman ako dun.”

Sinundan ito ng isa pang tanong ni Karen, “Pero kung ganun, baka hindi ka na magqualify?”

Credit: Karen Davila Instagram

Proud namang sinagot ito ni Manny na kasalukuyan siyang nag-aaral noon.

“Hindi, nag-aaral ako,” sagot ni Manny sa tanong ni Karen.

Nagpatuloy ang interview kung saan mas inalam pa ni Karen ang detalye tungkol sa pag-aaral ni Manny katulad ng kung saan eskelahan at kung anong kurso ang kinukuha ng pambansang kamao.

Maraming netizen ang hindi nagustuhan ang paraan ng pag-iinterview ni Karen kay Manny. Para sa iba ay parang kinutya at binast0s ni Karen ang senador. Tingin din ng iba ay unprofessional at bast0s ang paraan ni Karen sa pagtatanong.

Credit: Karen Davila Instagram

Mabilis namang pinagtanggol ni Manny si Karen sa mga nagbigay ng negatibong reaksyon tungkol sa ginawang interview.

“I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng Broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview”.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Itong Mayo 7, 2020, higit isang taon na ang nakalipas matapos ang kontrobersyal na interview ay nagkaroon muli ng pagkakataon si Karen na i-guest si Manny sa parehong programa.

Credit: Karen Davila Instagram

Nagdesisyon si Karen na personal na humingi ng tawad kay Manny dahil sa nangyari noong huling guesting niya sa programa.

“This is my personal effort to let you know, there was a bit of a misunderstanding noong pinag-usapan natin na nagtatapos kayo ng kolehiyo. I wanna take this opportunity kasi marami pa rin po, who I think misunderstand and feel na I was condescending towards you. And I want you to know, Senator Manny, matagal na po… I’ve admired you for so long.”

“I’ve worked with you personally for Habitat, and kung meron pong ganoon na nakarating po sa inyo, I want you to know po, Senator, that it was never my intention as an interviewer and as a journalist.”

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Maayos naman ang naging tugon ni Manny sa paghingi ng tawad ni Karen sa kanya.

“Karen, thank you for clarifying that issue. That time na nagkaroon ng issue ng ganun, deep in my heart… I am not hurt of that question that you asked me. Hindi ako nasaktan diyan kung ano man, wala sa isip ko yun, dahil totoo naman, hindi ko dapat i-announce yung nag-aral ako that time. Nag-aaral ako.”

Sinabi din ni Manny na hindi niya sinabi sa naging interview noong nakaraang taon kung saan siya nag-aaral dahil baka sabihin ng mga tao na nagyayabang lamang siya.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Masaya ding ibinalita ni Manny na pagkatapos ng ilang taong pagtityaga ay natapos rin niya ang kanyang kurso.

Nagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science – Local Government Administration sa University of Makati noong December 2019.