Kathryn Bernardo, binigyan ng isang surprise intimate victory party ang nobyong si Daniel Padilla

Isang surprise intimate victory party ang inorganisa ni Kapamilya actress-vlogger Kathryn Bernardo para sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla matapos ang matagumpay na virtual concert nito na “Apollo” na ginanap noong October 11.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Kathryn ng ilang larawan kuha mula sa nangyaring victory party.

Credit: @bernardokath Instagram

Ang selebrasyon ay dinaluhan ng malalapit na pamilya, mga kaibigan at ilang fans ng KathNiel.

Makikita sa mga larawang ang hindi maitagong kasiyahan ni Daniel dahil sa sorpresa ng nobya.
Kapansin-pansin din sa mga larawan ang pagiging sweet sa isa’t isa ng KathNiel.

Credit: @bernardokath Instagram

Sa caption, pinuri ni Kathryn ang magandang performance ni Daniel sa kanyang virtual concert. Caption ni Kathryn sa Instagram post, “Our intimate surprise party last night with @supremo_dpโ€™s biggest fandomโ€”our family and friendsโ€”was a success! Congratulations, love! THAT WAS SUCH AN AMAZING PERFORMANCE! ๐Ÿ–ค๐Ÿ–ค (No bias ๐Ÿ˜›)”

Credit: @bernardokath Instagram

Isa-isa ring pinasalamatan ng aktres ang ilang mga tao na naging susi para maging posible ang plano niyang victory party para sa nobyo.

Credit: @bernardokath Instagram

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Kathryn ang sikat na event stylist at florist na si Gideon Hermosa.
Mensahe ni Kathryn kay Gideon, “@gideonhermosa – thank you to my dearest gids for the friendship and for transforming his place to make the event extra special. Iโ€™lll always be your fan!”

Credit: @bernardokath Instagram

Ayon din sa caption ng Instagram post ni Kathryn, plinano umano niya ang suprise victory party sa loob lamang ng tatlong araw.

Sa comment section, ay inihayag naman ni Daniel ang kanyang pasasalamat at pagmamahal para kay Kathryn.

Credit: @bernardokath Instagram

Ani Daniel, “Maraming salamat sa oras at [pagmamahal] na ibinibigay mo [sa] akin. Sa iyo nanggagaling ang lakas at inspirasyon ko.”

Dagdag ni Daniel, “Mahal kita.”

Samantala, sa kanyang Instagram ay ipinahayag din ni Queen Mother Karla Estrada kung gaano siya ka-proud sa kanyang mga anak.

Credit: @bernardokath Instagram

Ani Karla sa caption ng Instagram post, “TO GOD BE THE GLORY! Walang sawang pasasalamat sa pag suporta ninyo sa Unang Digital concert ng APOLLo by @supremo_dp . Salamat din sa aking pangalawang anak @sprakinheighten @josecarlitoph sa pagbahagi ng iyong talento sa pag awit at pag sulat ng kanta.”

Credit: @bernardokath Instagram

Pinasalamatan din ni Karla ang lahat ng tao na naging parte ng kauna-unahang virtual concert na ginawa ni Daniel.

Kabilang dito si Kapamilya actor Ian Veneracion na isa sa mga guest ni Daniel sa virtual concert.

Credit: @bernardokath Instagram

Saad ni Carla, “Salamat sa aking kaibigan, @ianveneracion1 sa oras mo na mahalaga kay Daniel. At sa lahat ng bumuo at isinakatupan gabing matagumpay noong 10-11-2020.. ISANG MASIGABONG PALAKPAKAN SA INYING LAHAT.๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ๐Ÿ‘๐Ÿผ”

Taong 2018 nang inanunsyo ng KathNiel ang kanilang relasyon.

Credit: @bernardokath Instagram

Muli naman mapapanood ang KathNiel bilang loveteam sa telebisyon sa kanilang digital romantic series na “The House Arrest of Us” ngayong October 24.