Kathryn Bernardo, ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa kapatid na frontliner

Grabe ang sakripisyo ng ating mga frontliner para magampanan ang sinumpaan nilang tungkulin. Ang iba sa kanila ay nagbuw!s na ng sariling buhay. Ang iba naman ay halos hindi na makita ang kanilang pamilya para lang makasigurado na hindi sila makapagdadala ng anumang s@kit sa kanila.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram    

Paano na lamang kung ikaw mismo ay may kapamilya na frontliner? Ano kaya ang magiging pakiramdam mo?

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Iyan ang sinagot ni Kathryn Bernardo sa interview sa kanya sa Magandang Buhay.

Sa umpisa ng interview ay inihayag ni Kathryn ang mga napagtanto niya dahil sa nangyayari ngayon.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“Una na-realize mo kung gaano ka-precious ang buhay. Parang dati… alam mo naman pero ngayon extra thankful ka kasi healthy ka, okay ka and kailangan gawin mo talaga lahat to protect yourself para maprotektahan mo yung ibang tao.”

“Tapos na-appreciate ko yung maliliit na bagay. Grabe lang yung pagiging grateful ko ngayon sa lahat kasi hindi natin siya inexpect na ganito… ganito siya katagal na biglang yung buong mundo parang tumigil because of this v!rus so grabe yung appreciation ko ngayon sa life.”

Sa kanyang pagsagot ay naibahagi ni Kath na proud siya sa kanyang kapatid na nagtatrabaho ngayon bilang nurse sa UK.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“’Yung sister ko mismo, nagtatrabaho siya sa UK. Nagkukuwento siya kung paano ang sitwasyon niya doon, kung ano ang sitwasyon nila and hindi siya joke. So mas naging proud ako lalo sa ate ko during this situation.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Maging ang ina ni Kathryn ay nag-aalala para sa kapatid ni Kath na nasa ibang bansa ngunit nagpapasalamat si Kath na tuloy-tuloy pa din ang komunikasyon ng kanilang pamilya na hindi ngayon magkakasama. Parehong kuya at ate ni Kath ay nasa ibang bansa at ang kanyang ama naman ay namamalagi ngayon sa Cabanatuan.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ayon kay Kath, “Hindi naman nagkulang sina ate sa communication kasi rule din sa bahay. Kasi ibang bansa rin si kuya, tapos iba ‘yung ate ko. Tapos ‘yung papa ko sa Cabanatuan. So magkakahiwalay kami lahat. So parating naga-updatean.”

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Ini-reveal din sa interview na tuloy-tuloy din ang pagpapadala ng tulong ni Kathryn at ng kanyang pamilya para sa mga taong nangangailangan. Ngunit hindi katulad ng ibang artista ay hindi ipinagsasabi ni Kathryn ang kanyang pagtulong at hindi niya pinapaalam na sa kanilang pamilya galing iyon.