Kathryn Bernardo, isiniwalat na pinaghahandaan na nila ni Daniel Padilla ang kanilang dream wedding

Isa ang pagpapakasal sa mga malalaking desisyon na ginagawa ng mga magkasintahan sa kanilang relasyon. Dahil isang life-long commitment ang kasal, kaya naman karapat-dapat lamang na paghandaan ito ng bawat magkasintahan na gusto nang i-level up ang kanilang relasyon.

Credit: @bernardokath Instagram     

Isa nga sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga puspusang pinaghahandaan ang kanilang magiging kasal. Nasa plano na kasi ng KathNiel na bago sila tumungtung sa edad na 30 ay kasal na sila. Madalas ikwenento ng KathNiel sa kanilang mga interview na nakikita na nila ang kanilang sarili na magpapakasal bago sila tumungtong sa edad na 30.

Credit: @bernardokath Instagram

Sa media conference nga para sa kanilang digital movie series na “The House Arrest of Us” ay ibinahagi ni Kathryn na pinaghahandaan na nila ni Daniel ang kanilang dream wedding.

Kwento ni Kathryn, “May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually yun naman talaga yung plan…Napag-uusapan naman namin yun. At nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin pag dumating kami sa punto na yun.”

Credit: @bernardokath Instagram

Dagdag ni Kathryn, “And now yun yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. Lahat ng kailangan i-ready, kasi malaking step yun and pagdating nun at least ‘di ba ready na kami and relax na lang.”

Ayon rin kay Kathryn, napag-uusapan na nila ni Daniel kung anong magiging set up ng kanilang magiging kasal limang taon mula ngayon.

Credit: @bernardokath Instagram

Ani Kathryn, “Pareho kami na yung dream wedding namin is simple lang and very intimate, yan yung beach wedding. So, every time tinatanong kami yung sagot naman namin na pareho namin hilig yung beach…”

Wala pang specific date na ibinigay ang mag-on-and-off screen couple kung kailan ang kanilang kasal.
Gayunpaman, ang isang bagay lamang na sigurado ang KathNiel ay magpapakasal sila sa tamang panahon kapag talagang handa na silang pasukin ang buhay mag-asawa.

Credit: @bernardokath Instagram

Pahayag ni Kathryn, “Wala namang specific date na sinabi namin na kapag ganitong year dapat kasal na. Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din yung mga bagay na yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So tingnan natin kung anong period.”

Para naman kay Daniel, luluhod lamang umano siya sa harapan ni Kathryn kapag alam nitong handang-handa na ang nobya na mag-asawa. Dagdag pa ng aktor, wala raw siyang balak na biglain si Kathryn sa pagpapakasal.

Credit: @bernardokath Instagram

Aniya, “Gagawin ko ‘yun kapag alam kong handa na rin si Kathryn. Hindi ko naman siya ilalagay sa position na alam kong nag-aalinlangan siya. Hindi pwede ‘yun. Gagawin ko ‘yun sa panahon na alam kong handa na siya at handa na rin ako. Pagpaplanuhan natin ‘yun at ise-set sa tamang panahon.”

Credit: @bernardokath Instagram

Samantala, mapapanood na ang kanilang balik-tambalan project na “The House Arrest of Us” ngayong October 24 sa Ktx.ph.