Kathryn Bernardo, sumabak sa kanyang unang photo shoot ngayong 2021!

Unang araw ng Bagong Taon ay may pasabog agad para sa kanyang mga tagahanga ang aktres na si Kathryn Bernardo. Muli ay pinatunayan ni Kathryn na mayroon siyang karisma at kabigha-bighaning mukha matapos niyang ibahagi ang kanyang mga larawan na kuha mula sa kanyang unang photo shoot ngayong bagong taon.

Credit: @bernardokath Instagram   

Hindi maipagkakailang isa si Kathryn sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon base na rin sa mga larawan na ibinahagi niya.

Pinusuan ng maraming netizens ang mga litratong ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram kuha mula sa masayang photo shoot nila ng kanyang team.

Credit: @bernardokath Instagram

Retro space inspired ang konsepto ng unang photo shoot ni Kathryn ngayong taon. Ang kanyang mga outfit na isinuot ay hango ang style noong dekada 70. Tulad na lamang ng sexy top at wide leg pants. Todo awra rin si Kathryn sa kanyang ikalawang outfit na isang sexy crop top at gym shorts.

Inilarawan naman ni Kathryn ang kanyang unang photo shoot ngayong taon bilang “extra special” dahil sa kanyang pinakamamahal na team.

Credit: @bernardokath Instagram

Saad ni Kathryn sa caption, “Gliding through life. How’s your 2021 so far? ? After months of failed attempts, we finally made this super fun shoot happen with my beloved team (or should i call it barkadahan? Lol!) Not pictured are all the funny and crazy memories off cam that made this shoot extra special. Thank you guys so much! I am forever grateful for the friendship.?❤️”

Sa panahong isinusulat ito ay libo-libong likes na ang nakuha ng kanyang mga larawan. Umani rin ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang mga larawan ni Kathryn. Komento ng netizens:

Credit: @bernardokath Instagram

“More creative shoots like this pleaseeee”

“SO PRETTY”

“Grabe ang tangkad! Ang ganda!”

“Masyado ginalingan mamsh”

Credit: @bernardokath Instagram

Samantala, sinalubong naman ni Kathryn ang Bagong Taon sa isla ng Boracay kasama ang kanyang pamilya at ang nobyong si Daniel Padilla.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kathryn ang ilan sa mga s3xy photo niya habang nag-eenjoy sa isla.

Ipinost din ni Kathryn sa kanyang Instagram ng sweet photo nila ni Daniel habang sinusulit ang kanilang maikling bakasyon sa Boracay.