Kendra Kramer, masayang nakapagtapos ng grade 6 at ngayon ay mag hihigh school na sya

Napakahalaga para sa isang magulang na ma appreciate ang efforts at bawat achievements ng kanilang mga anak. Sa pag-appreciate sa kanilang mga anak, mas magiging masaya at mararamdam nila ang sense of accomplishment. Sa ganitong paraan, mas gaganahan ang mga bata na mag-aral para sa kanilang mga pangarap.

Credit: @dougkramer instagram

Kaya naman, ang amang si Doug Kramer ay todo ang papuri at pag appreciate sa kanyang anak na si Kendra. Nagtapos na kasi si Kendra sa elementary at ito ay isang bagong chapter sa buhay ni Kendra.

“Never too late to appreciate our kids accomplishments. Today, @kramer.kendra graduated from Grade 6 into high school! No amount of words are enough to describe how proud we are of our little girl. Keep shining for God and being an example to your siblings. I love you kennykins! [heart eyes emoji],” lahad ng post ni Doug.

Credit: @dougkramer instagram

Proud dad si Doug na makikita naman sa kanyang mga post. Hindi macontain ni Doug lalo na at isang achievement ito para sa kanyang anak.

Lubos ding pinayuhan ni Doug ang kanyang anak na si Kendra na patuloy na magshine para sa Panginoon.

Credit: @dougkramer instagram

Malaki naman ang pasasalamat ni Kendra sa kanyang ama’t ina na laging naka antabay sa kanila.
“Thank you mommy and daddy! Love you guys! [heart emoji],” komento ni Kendra.

Masaya naman ang mga netizens at maging mga celebrities para kay Kendra. Bumati sa kanya sina
TV host Jeck Maierhofer, actress Danica Sotto-Pingris, Nikka Garcia, at GMA-7 host Iya Villania.
Naibahagi din naman ng kanyang inang si Cheska na si Kendra ay naka home school.

Credit: @dougkramer instagram

“Homeschooling is a heart matter and it’s really been great,” saad ni Cheska.

Malaking impliwensya kay Cheska si Edric Mendoza, ang chairman ng Homeschool Global Learning, Inc., na nag engganyo sa kanya sa homeschooling. Na appreciate ni Cheska ang pagiging epektibo nito kaya naka homeschool ang kanyang mga anak.