Kilalanin ang dalawang napakagwapong anak ni James Blanco na sina Inigo at Sebastian Castillo

Noong nakaraang Pebrero ay ibinahagi ng aktor na si James Blanco sa publiko ang mga larawan ng kaniyang mga anak na sina Inigo, Sebastian at ang kaniyang bunso at tanging babae na si Natalia.
Sa taong 2002, si James ay kasal sa asawa nitong half-Filipina half-New Zealander na si Tania Creighton na isang modelo at Regional Manager para sa isang Business Development & Expansion sa isa sa mga pinakamalaking mall sa bansa.

Credit: James Blanco instagram

Muli silang kinasal noong 2008 ngunit sa pagkakataong ito ay ginanap ang kasal sa simbahan.
Si James Blanco Castillo ay 40 taong gulag na aktor na unang napanood sa isang drama series na Click sa GMA network noong taong 1999 bilang si Anton.

Credit: James Blanco instagram

Noong 2000 ay nanalo siya bilang Best New Male TV Personality sa 14th PMPC Star Awards for TV.
Sa taong 2001 ay muli siyang napanood sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Mamahalin na gumanap bilang si Joseph Marcelo.

Credit: James Blanco instagram

Napanood din siya sa mga sa ibang teleserye tulad ng Mulawin noong taong 2004 hanggang 2005, Yagit sa taong 2014, Marimar noong 2015, at noong nakaraang taon ay napanood siya sa Prima Donnas. Gumanap din ang aktor sa mga pelikula tulad ng Cool Dudes 24/7 noong 2001, sa One More Chance sa taong 2007, at sa A Second Chance noong 2015.

Credit: James Blanco instagram

Bukod sa pagiging aktor ay sinimulan na rin niyang magtrabaho bilang isang modelo sa patalastas ng Lifebouy. Ngayong taon ay mapapanood ulit siya sa teleseryeng pinamagatang Viral kung saan kasama niya sina Charlie Dizon, Dimples Romana, Joshua Garcia at iba pang mga batikang aktor sa ABS CBN.

Credit: James Blanco instagram

Matapos ang dalawang dekada ay hindi naman maipagkakaila na napanatili ng aktor ang kaniyang magandang pisikal na pangangatawan at itsura. Sa ngayon ay wala pang may alam kung balak bang sundan ng kaniyang mga anak ang yapak niya bilang aktor o modelo.

Credit: James Blanco instagram