Kilalanin ang gwapong kapatid ni Ivana at Mona Alawi na si Hashim

Maingay ngayon ang pangalang Ivana Alawi dahil sa biglang dami ng kanyang followers sa kanyang mga social media account. Kilala din siya dahil sa kanyang mala-diyosang kagandahan.

Credit: Mona Alawi Instagram

Simula nang ipinakilala ni Ivana ang kanyang bunsong kapatid sa kanyang video blog ay nakuha na din ni Mona ang atensyon ng mga netizen.

Ngayon naman ay kilalanin natin ang nag-iisang gwapong kuya nila Ivana at Mona na si Hashim.

Si Hashim Alawi o tinatawag na Hash ay may lahing Filipino-Morrocan.

Credit: Hash Alawi Instagram

Nag-aral si Hashim sa British School of Bahrain at marunong din siyang magsalita ng arabic.

Madalas nakikita si Hash sa video blog ng kanyang mga kapatid na sila Ivana at Mona.

Ni-reveal din ng kanyang mga babaeng kapatid na single ngayon si Hash at stick-to-one kung magmahal.

Credit: Hash Alawi Instagram

Sinabi ni Hash na ang hinahanap niyang katangihan ng isang babae ay looks, brains, at personality.

“…caring, someone I can communicate with pretty easily. Someone honest…someone who is reasonable. Someone who is understanding and fair.”

Credit: Hash Alawi Instagram

Ayon kay Ivana, mas nauna pa siyang pumasok sa isang relasyon kesa kay Hashim.

Ipinagmalaki din ni Ivana na ang kanyang kapatid ay good boy dahil hindi ito umiinom ng alak at naninigarilyo.
Credit: Hash Alawi Instagram

Sa isang latest na vlog ni Ivana ay ni-reveal niya na sobrang takot si Hash sa ipis.

Sobrang close ni Hash sa kanyang pamilya. Sa katunayan ay gustong-gusto nitong nagtatravel kasama ng kanyang pamilya.

Credit: Hash Alawi Instagram

Si Hash ay madalas makikita ngayon sa YouTube videos ng kanyang mga kapatid pero ang tanong ng marami ay kung susunod ba si Hashim sa yapak ni Ivana na pumasok sa showbiz o hindi naman kaya ay maging katulad siya ni Mona na naging aktibo sa social media katulad ni Ivana?

Sa Instagram account ni Hashim ay nagpost ng mga komento ang mga babaeng nagkaka-crush kay Hashim.

Credit: Hash Alawi Instagram

“Babe ako na bubuo sa puso mo hehe”

“ampogi mo kuya hasim”

“Crush ko talaga to”

“Gwapo man dong??”

“Haleey ang cute ni crush❤️❤️❤️”

“He look perfect with his cute dimples?”

“Followed u coz you’re adorable HAHAHAHA those cockroaches made you funny ???”