Kilalanin ang modelong anak ni Jericho Rosales na si Santino

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang “King of Dramas” na si Jericho Rosales ay nagkaroon ng anak sa pagkabinata noong taong 2000. Na-link si Echo sa isang dating model na si Kai Palomares at ang kanilang relasyon ay nagbunga ng isang lalaking anak na pinangalanan nilang Santino.

Credit: Santino Rosales Instagram        

Si Santino Palomares Rosales ay ipinanganak noong December 11, 2000. Siya ngayon ay 19 years old at mailalarawan bilang isang binatang “tall, dark, and handsome”.

Minana ni Santino ang passion at galing ng ina sa pagmomodelo kaya naman noong 17 taong gulang pa lang ito ay pumasok na siya sa mundo ng pagmomodelo. Naging miyembro din siya ng isang organisasyon ng mga professional model, ang Professional Models Association of the Philippines (PMAP).

Credit: Santino Rosales Instagram

Naging malaking milestone sa modelling career ni Santino nang mapabilang siya sa photo shoot ng Garage Magazine noong October 2017.

Hindi lang pagmomodelo ang pinagkakaabalahan ni Santino dahil siya din ay isang football player. Siya ay isang miyembro ng professional team na Kaya FC.

Credit: Santino Rosales Instagram 

Maraming tao ang nagsabi na kapag magkasama si Echo at si Santino ay pwede mo itong mapagkamalang magkapatid. Lalong lalo na at halos pareho ng hilig ang mag-ama.

Credit: Santino Rosales Instagram 

Pareho silang ng ama na mahilig magworkout.

Credit: Santino Rosales Instagram

Nakuha din ni Santino sa amang si Jericho ang pagkahilig sa pagpunta sa beach at ang pagkahumaling sa surfing.

Credit: Santino Rosales Instagram 

Hindi man fan ng KPop si Santino ngunit naaappreciate niya ito lalo na noong nanuod siya ng concert ng Momoland.

Inamin din ni Santino na ang crush niya sa Philippine showbiz ay ang napakagandang si Liza Soberano.

Credit: Santino Rosales Instagram 

Marami ang nagtatanong kung papasok din sa showbiz si Santino katulad ng kanyang ama at ito ang kanyang naging sagot:

Credit: Santino Rosales Instagram 

“I’ve seen the way the industry is, and I’ve seen the way it gets to you, and it doesn’t appeal to me. I’d rather stay outside the limelight and also because of competition. People will start comparing me with my dad like what happens with other people, and I don’t want that. I’d rather build myself as my image, not as someone’s son.”

Kasalukuyang nag-aaral ngayon ng Interdisciplinary Business Studies si Santino sa De La Salle University. Ayon sa kanya, gusto muna niyang magfocus sa paghandle ng business at pagmomodelo.