Kilalanin si Angela Alarcon, ang matalino at magandang anak ng aktor na si Jestoni Alarcon

Isa sa mga sikat na aktor noon na ating napapanood pa rin ngayon ay si Jestoni Alarcon.
Bukod sa kanyang tikas at kagwapuhan, isa ding magaling na aktor si Jestoni. Sumikat si Jestoni sa kanyang mga roles na talagang kinagiliwan ng lahat. Sa likod ng kamera, isa siyang responsableng asawa at anak.

Credit: @angelaalarcon instagram

Nakabuo sila ng pamilya ng kanyang asawang si Lizette. Nagbunga ang kanilang pagiibigan na sina Jessica, Anthony at Angela. Isa sa mga anak ni Jestoni ay pumasok din sa showbiz at sumunod sa yapak ng ama. Pinasok ni Angela ang showbiz.

Credit: @angelaalarcon instagram

Sporty si Angela na kanyang naikwento. Nasubukan na niya ang b0xing, basketball at volleyball. Maging ang taekwondo ay kanyang sinubukan at naging bahagi ng Bottle Cap Challenge.

Pero, mas napagdesisyunan niyang pumasok sa showbiz. Masaya naman daw ang kanyang ama sa kanyang desisyon. Naging bahagi si Angela ng Kapuso Network matapos niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa University of the Philippines-Diliman bilang cum laude sa kanyang degree na speech communication.

Credit: @angelaalarcon instagram

Ayon kay Angela, binigyan siya ng advice ng kanyang ama.

“His advice is to always remain focused and to do your best in everything that you do especially sa mga lines, kahit onti mo lang na mali na mga lines. Sinasabi niya na people may say things about you and puwede akong m@saktan when I enter showbiz, but just always focus on your goal and don’t let them affect you,” saad ni Angela.

Credit: @angelaalarcon instagram

Siyempre, dahil matagal na rin si Jestoni sa showbiz alam na niya ang ups and downs sa industriyang ito. Kaya naman, todo ang gabay na ibinibigay ni Jestoni sa kanya.

Credit: @angelaalarcon instagram

Pinaalalahanan ni Jestoni si Angela na wag mag focus sa mga b@sh3rs o di sumusuporta sa kanya kundi mas bigyang pansin ang kanyang goal. Iyan nga naman talaga ang dapat gawin, na wag magpaapekto sa ibang tao.

Credit: @angelaalarcon instagram