Sino ba ang hindi nakakakilala sa child star noon at dalaga na ngayon na si Kiray Celis? Sa kanyang napakabibong personality ay nakagawa siya ng mga pelikula at teleserye na nagpasaya sa atin.

Kamakailan lang ay nagkaroon siya ng interview. At dahil dalaga na siya ay napag usapan ang kanyang love life.
Napag alaman na mayroon siyang bagong non showbiz boy friend ngayon. Ayon kay Kiray, napakabait at family oriented nito. Naipakilala na rin niya ito sa kanyang pamilya at rinerespeto nila ang desisyon ng kanilang mga pamilya.

“Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa,” kwento pa ni Kiray.
Sa kwento ni Kiray, June 2019 ay di na sila masyadong okay ng kanyang ex boy friend. Kaya naman, matagal tagal na rin bago dumating ang kanyang minamahal ngayon.

“Actually hindi mo kailangang maghanap ng bago para maka-move-on pero nagulat na lang ako na bigla siyang dumating. Sa kanya ko kasi nalaman yung worth ko, eh,” pahayag ni Kiray.
Naibahagi din ni Kiray na madami na siyang natutunan sa kanyang mga past relationships. Isa na dito na hindi niya dapat hayaan ang sarili na malunod sa lungkot at gumising ng umiiyak sa sakit ng loob.

“And siya lang yung nakapagpa-realize sa akin na parang hindi ko pala yon dapat tinatanggap at hindi ko yon nararamdaman. Dapat pala hindi ako pumapayag na natutulog ako nang sobrang bigat ng puso ko. Dapat hindi ako gumigising nang umiiyak ako. Dapat yung taongmahal ko, eh, mahal din ng parents ko – kaso lahat yon hindi,” kwento pa ni Kiray
Pero syempre, umaasa at naga lolook forward si Kiray na ito na talaga ang kanyang forever at maghahatid sa kanya sa altar.

“Oo. Kasi ako naman talaga yung type ng tao na… di ba kahit naman yung first boyfriend ko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko. Parang never naman tayong nag-dream na… gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, lagi namang nakasuporta ang pamilya, kaibigan at fans ni Kiray sa kanya, mapa love life man o sa showbiz career.