Kris Aquino, nagbigay ng house tour ng kanyang malaki at maaliwalas na bahay na may napakagandang kitchen

Nagdesisyon si Kris Aquino na subukang manirahan sa isang bahay matapos nitong mag-stay sa iba’t ibang condominium.

Madalas makikita ang kanyang bahay ni Kris sa mga shoot ng kanyang online show episode.

Ang napakagandang bahay ni Kris ay parang masasabi mo na ding a home away from the busy metro kapag doon ka naninirahan.

Ito ang mga parte ng bahay ni Kris na talagang mapapanganga ka dahil sa ganda.

Front door

Credit: Kris Aquino YouTube

Sinabi ni Kris na ang kulay ng kanyang front door ang kanyang paboritong color at buti daw ay pinayagan siya ng mga anak na ganun ang kulay ng pinto.

 

Dining area

Makikita din ang kanilang dining area kung saan makikita ang magandang puting table na may napakagandang carving.

Credit: Kris Aquino YouTube

Sa dining area din ay may nakalagay na malaking TV na ipinagmamalaki ni Kris na nakakonekta agad sa YouTube.

Credit: Kris Aquino YouTube

Makikita din malapit sa dining area ang isang grand piano, mga game table na Pac Man at Pirates of The Carribean at isa pang itim na dining table.

 

Beauty Room

Sa loob ng Beauty Room ay meron shampoo bowl, mga aparador na lagayan ng mga produkto at isang malaking TV.

Credit: Kris Aquino YouTube

Sinabi ni Kris na ang kanyang beauty room ay kinonvert na lamang sa study area ni Bimby dahil may mga pagkakataon na kapag kailangan na siyang make-upan ay hindi pa rin tapos ang pag-homeschool kay Bimby.

 

Swimming Pool

Credit: Kris Aquino YouTube

Malapit sa living room ng bahay ay isang malaking swimming pool. Ipinagmalaki ni Kris na meron din silang Hot Tub na gustong gusto niya dahil nagpapalit ito ng ilaw kapag gabi.

 

Room ni Josh at Bimby

Makikita na may dalawang single bed sa kwarto ng mga anak ni Kris. Sa loob ng kwarto ay meron ding sofa bed at isang malaking telebisyon.

Credit: Kris Aquino YouTube

Sa loob din ng kwarto nila Josh at Bimby ay meron silang walk-in closet na puno ng mga damit.

Credit: Kris Aquino YouTube

Ang banyo naman ng mga anak ni Kris ay locker room inspired ang disenyo. Meron din silang sariling bath tub sa loob.

Credit: Kris Aquino YouTube

 

Entertainment Area

Credit: Kris Aquino YouTube

Meron ding entertainment area ang bahay nila Kris kung saan meron ding malaking TV, pantry o lagayan ng mga pagkain, at mga video game machine.

 

Kitchen

Credit: Kris Aquino YouTube

Sobrang laki at linis ng kitchen ni Kris kung saan meron siyang malaking ref, isang malaking aparador kung saan nakalagay ang kanyang koleksyon ng tea cups, at magagandang gamit panluto.

Credit: Kris Aquino YouTube

Sinabi ni Kris na pinili niyang open o kita ang loob ng mga cabinet para madali niyang macheck kung nalilinis ito ng maigi ng kanyang mga kasambahay.

 

Kris’ Bathroom and CR

Credit: Kris Aquino YouTube

 

Sa loob ng malaking banyo ni Kris ay puno ito ng mga produkto na kanyang ginagamit. Meron din itong sariling bath tub kung saan may nakaharap na TV.