Kris Aquino, napasaya ang anak na si Josh sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng paghahanda ng isang simpleng surpresa para sa anak

Noong June 3 ay tuluyan na ngang nakauwi ng Maynila sila Kris Aquino at ang kanyang dalawang anak na si Josh at Bimby matapos ang tatlong buwan na pamamalagi doon noong kasagsagan ng qu@rantine.

Credit: Kris Aquino Instagram  

“We got all our clearances & permits, now we’re ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for kuya’s birthday tomorrow. (a special thank you to WBR for letting @checkticsay & randy, aka “hello kitty” stay to help us.)”

“it’s been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome. (Thank you to Doc Oca for helping mend my left hand & Doc delos Reyes for regularly checking kuya josh, bimb, and me.)”

Ang pag-uwi nila Kris ay sumakto sa ika-25 na kaarawan ng panganay niyang anak na si Josh.

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa Instagram ay pinost ni Kris ang letrato nila ni Josh kung saan nagbigay siya ng simpleng mensahe para sa anak.

“i didn’t bother to try to clean up this picture (taken before we went to sleep)- it’s kuya’s day & since cute his dimple, let’s just ignore all my rashes.”

Credit: Kris Aquino Instagram

“Happy 25th birthday to my forever roommate, kuya josh! ❤️????? (pag less stressed, I’ll show you our new minimalist, all white bedroom, and my pink breakfast nook in my glass enclosed balcony.) #home”

Kinabukasan ay nagkaroon ng simpleng surpresa si Kris para sa anak nila ng aktor na si Phillip Salvador.

Ayon kay Kris ay noong nasa Puerto Galera pa sila ng kanyang mga anak ay laging pinipilit ni Josh na panoorin nila ang video ng “Lupang Hinirang” tuwing 7:30 hanggang 8 ng umaga. Sinasabayan nila ang video ng pag-awit habang nakatayo at nakalagay ang kanang kamay sa dibdib.

“Everyday in Puerto Galera, between 7:30-8 AM, kuya josh would insist that we all had to view the “Lupang Hinirang” music video, stand w/ our right hand above our hearts, sabayan ang pagkanta ng national Anthem and face the open sea…”

Credit: Kris Aquino Instagram

Dahil dito ay nagdesisyon si Kris na paghandaan ng pananghalian si Josh na may theme na kulay ng Philippine Flag.

“i decided to make kuya’s lunch (na kami kami lang naman sa house) themed around the colors of our flag. ❤️????? P.S. i included the pics where kuya covered my face & the balloons covered him- mahirap talagang picture-an kapag ang panganay ay lagpas 6’2 at yung mama 5’3 lang. ???”

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa letrato na pinost ni Kris ay bakas ang saya sa mukha ng kanyang panganay na anak kahit na simple lamang ang naging surpresa sa kanya ng kanyang ina.