Kristine Hermosa-Sotto, sobrang napasaya si Melai Cantiveros dahil sa ipinadalang simpleng regalo

Sabi ng marami, ang taong mabait at matulungin ay lubos na pinagpapala ng Dios. Ito marahil ang dahilan kung bakit lubusang pinagpapala si Melai Cantiveros-Francisco at ang kanyang pamilya. At pati ngayong nagdiwang siya ng kanyang kaarawan ay may natanggap siyang regalo kaya nasabi niyang ang birthday niya ngayong taon ay “best birthday ever”.

Credit: mrandmrsfrancisco Instagram

Noong April 6 ay nagdiwang ng kanyang ika-32 na birthday si Mamshie Melai kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kasalukuyang ECQ ay sa bahay lamang nagdiwang ang kanilang pamilya.

Credit: mrandmrsfrancisco Instagram

Hindi natapos ang espesyal na araw ni Melai ng hindi siya nasusurpresa kaya naman laking gulat at saya niya na nakatanggap siya ng simple ngunit memorable na regalo mula kay Kristine Hermosa-Sotto. Ang regalong ito ay isang video message na naglalaman ng pagbati ni Kristine para kay Melai.

Credit: Oyo Sotto Instagram

Sobrang ang saya ni Melai nang matanggap ang regalong ito dahil sobra niyang iniidolo ang tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales noon pa man. Sinabi ni Melai sa kanyang Instagram post na:

“Kaya itu ang Best Birthday ever kasi ever since Idol ko from the start na sobra is Ms Kristine Hermosa @khsotto at Jericho Rosales @jerichorosalesofficial ❤️Isa dn sa dahilan bakit gustu ko mag artista kasi gustu ko makita 🙂 Indeed Dreams do come true 🙂 Salamat kay @pauleenlunasotto super super to make it possible at kay TitaLee @ppl_lizacostales na super saya ko nang nakita ko ❤️❤️❤️heart to heart na usapan ang feeling ko Thank u so much Ms Kristine Hermosa sa iyung message I love it i will always treasure this video greetings forever ❤️❤️❤️? My idol i life 🙂 #superganda #superbait

Ito naman ang naging mensahe ni Kristine Hermosa-Sotto kay Melai:

Credit: mrandmrsfrancisco Instagram

“Hindi man tayo matagal na nagkasama sa industriya but I know that you are a good person, a good mother to your children, and a good wife. Ang prayer ko ngayong birthday mo is that patibayin ni Lord ang inyong pagsasama at ikaw bilang ina. That God will also give you guys wisdom and grace and patience sa pagpapalaki ng mga anak niyo. Hindi madali… but, of course, with God’s grace kaya natin ito. So I just pray that you will enjoy your day and, of course, let’s continue praying for the whole world na matatapos din ito. Mabait si God. Enjoy your day and happy birthday. God bless you and hi to your family.”