“Life Begins”: Phoemela Baranda sa kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak sa edad na 40

“Life Begins”

Ganito kung ilarawan ni model-TV host Phoemela Baranda ang kanyang nararamdaman ngayon na ipinagbubuntis niya ang kanyang pangalawang anak.

Credit: @phoemelabaranda Instagram    

Nitong November 18, ay isinapubliko ni Phoemela ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang Instagram ng isang larawan kung saan ay kita ang kanyang baby bump.

Unang anak ito ni Phoemela at ng kanyang professional car racer-businessman boyfriend na si Jason Choachuy.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Sa panayam ni Phoemela sa Preview ay sinabi niya na planado umano ang kanyang pagbubuntis.
Dalawang dekada matapos kasi niyang maipanganak ang kanyang unang anak na si Kim Nichole Baranda ay gusto umano ulit ni Phoemela na magkaroon ng anak.

Ibinahagi rin ni Phoemela na pareho nilang gusto ng kanyang partner na magkaroon na ng anak.

Bahagi ni Phoemela sa Preview, “I’ve always wanted another child, and my partner [wanted one] as well — it’s his first.”

Ikwenento rin ni Phoemela sa Preview na nakakaramdam siya nang labis na pagkasabik sa bagong yugto na ito ng kanyang buhay. Pag-amin niya, “To be honest, I have some anxieties. It has been years since my last pregnancy, but I’m more excited to enter this new chapter.”

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Masasabi rin ni Phoemela na mas “mentally prepared” siya ngayon kaysa noong ipinagbuntis niya ang kanyang panganay.

Aniya, “This time the only difference is that I’m more mentally prepared but [I feel the] same amount of excitement and love especially that my partner and Kim are beside me for support.”

Sa parehong panayam pa rin ay ibinahagi naman ni Kim Nichole na masaya siya sa pagdating ng panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

“I know a lot of things are going to change, but I’m happy for my mom because this is such a big blessing for us to have an addition to our family since it’s always been the two of us,” ani Kim Nichole.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Sinabi din ng 19 na taoong panganay na anak ni Phoemela na alam niya na siya ang “forever baby” ng kanyang ina. Saad niya, “I know I’ll still forever be her baby.”

Samantala, bumaha naman ang pagbati para kay Phoemela mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Credit: @phoemelabaranda Instagram

Ilan sa mga celebrity na bumati kay Phoemela sina Paolo Paraiso, Divine Lee, Iya Villania at Ruffa Gutierrez.