Liza Soberano at Enrique Gil, nakatanggap ng regalong inampong koala galing sa kanilang fan

Ang makatanggap ng regalo ay nagbibigay ng kasiyahan sa isang tao lalo na kung ito ay mula sa puso. Paano pa kaya kung ang iniregalo ay isang bagay na hindi lamang kakaiba ngunit meron ding magandang purpose.

Credit: Liza Soberano Instagram

Iyan ang natanggap kamakailan ang ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil mula sa kanilang fan bilang birthday gift para sa dalawa. Ang iniregalo ng kanilang fan ay isang certifacate ng pag-adopt ng isang koala na ngayon ay nasa Australia.

Credit: Ballarat Wildlife Park

Ang koala na inadopt ay may pangalan na Jimmie Jams at ito ngayon ay nananatili sa Ballarat Wildlife Park sa Victoria, Australia. Ang fan na nagbigay ng regalo ay may twitter name na @indeNiaLLady.

Ayon sa post ng fan ay noong enero pa niya sinimulan ayusin ang pag-adopt sa koala na si Jimmie Jams ngunit umabot ito ng dalawang buwan bago niya makuha ang certificate. Ang layunin daw ng fan ay mabigyan ng napaka-espesyal na regalo ang LizQuen.

Credit: indeNiaLLady Twitter

“Last January, I decided to make a very special bday gift for Hopie & Quen, took almost 2mos to get the certificate but glad it came before Quen’s bday. Meet Jimmie Jams. Isnt he cute? Thank You LQ for inspiring me to do this. Love you both #HappyBirthdayEnrique #BelatedHBLiza”

Credit: indeNiaLLady Twitter

Ayon sa certificate ni Jimmie Jams ay ito ay napaka energetic at laging kinukulit ang kanyang inang si Ella para isakay ito sa kanyang likod. Mahilig din daw sa yakap si Jimmie at gustong nakakilala ng mga bagong tao. Nagcelebrate din ng kaarawan si Jimmie Jams noong April 19.

Credit: Ballarat Wildlife Park

Napansin ni Liza Soberano ang tweet ng fan at ipinarating niya ang pagkasorpresa at tuwa sa ibinigay na regalo ng kanilang fan. Ni-retweet ni Liza ang post ng fan at sinabing:

“Omg. This is so cool!!!! Thank you”

Maraming netizens ang natuwa sa ibinigay na regalo ng fan.

“The best gift ever very inspiring specially for Quen & Hopie as Animal lovers !! So nice !!”

“Wow that’s cute. You are such generous and a animal lover. Keep it up”

Credit: Liza Soberano Instagram

“You picked a cuddle lover adoptee for the couple who loves to cuddle. Destiny! What an awesome gift!!!”

“Wow that’s so nice of you!!! Such a unique and thoughtful gift especially considering how much LQ love animals!!”