Lyca Gairanod, pinakita ang napakagandang sasakyan na kanyang naipundar

Ang singer na si Lyca Gairanod ay masayang ibinahagi sa publiko at ilang tagasubaybay ang isa sa kanyang naipundar para sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pag upload ng vlog sa kanyang youtube account.

Credit: Lyca Gairanod Youtube instagran

Sa naturang na vlog ng singer ay ikinuwento niya kung gaano niya kagustong magkaroon ng sariling sasakyan at ayon na nga ay nakapag pundar siya ng sarili niyang sasakyan sa pamamagitan ng pag kanta ngunit sa kabila ng kaginhawaan na tinatamasa sa ngayon at sa mga naipupundar niya para sa kanyang pamilya ay nananatili siyang nagpapakumbaba at nang dahil na rin sa kasipagan sa pagtatrabaho ay hindi naman kataka taka na naipundar niya ang kanyang pamilya ng tinatamasa nilang sasakyan.

“alam niyo kasi dati pangarap ko lang ‘to na magkaroon ng sariling sasakyan, and ngayon, winish ko talaga, pinush nang pinush magkaroon ng sariling sasakyan.” Aniya pa niya habang nagba vlog
Kaya naman ay ibinahagi niya sa kanyang subscribers ang isang vlog kung saan siya ay nag car tour ika nga niya

“Excited na ‘ko ipakita yung aking pangalawang tahanan. Iba pa ‘yung bahay ko, kasi ito para ko na ‘tong house e. Talagang ito na yung pangalawa nong bahay, kasi dito ka na nagpapahinga.”

Lyca Jane Epe Gairanod o mas kilala sa showbiz sa kanyang pangalan na Lyca Gainarod na ipinanganak noong ika 21 ng Nobyembre taong 2004 ay isanf Filipino singer at actress. Siya ang nanalo sa kauna unahang season ng television singing competition na The Voice Kids Philippines, kung saan naging dahilan upang magkaroong ng recording contract sa ilalim ng MCA Music Inc.

dito sa Pilipinas. Ang kauna unahang debut niya naman bilang aktres ay noong tinampok ang kanyang istorya sa maalaala mo kaya, ginanapan niya ang kanyang sarili noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap matapos noon ay naging guest siya sa ABS-CBN’s Hawak-Kamay sa kaparehong buwan at taon.